Chapter 24
Trigger warning: death, suicide
Days rolled in fast. My mind was in a complete haywire but I did my very best to cooperate with our Atty. I know both mom and dad is having a hard time trying cope up with the situation especially now that mom is pregnant with my sibling.
"Let's go."
I glanced at my dad and briefly nodded before I followed them. Hindi makakapunta si mama sa trial arraignment ngayon because my dad won't let her.
I understand. She needs a peace of mind dahil may bata siyang dinadala sa sinapupunan niya and it would be risky for her part if she keeps on putting herself in a stressful situation.
The first thing that I did was to look for Storm. Araw-araw akong nagbabakasakaling bisitahin niya ako ngunit sa huli ay ako lang din ang nasasaktan.
I'm trying my best to understand him. He also needs me by his side. Kung sana wala ako ngayon sa posisyon ko, sana ako ang kasama niya sa pag-aasikaso sa lola niya. Edi sana ako ang masasandalan niya.
But what can I do? We're both in a situation that no one can even think through.
I bitterly smiled when again, there were no signs of his presence.
Ilang araw na ba kaming hindi nagkikita? Sa loob ba ng mga araw na iyon, hindi man lang ba ako sumagi sa isipan niya?
"Stay calm, alright? We'll be here for you."
Jax approached me and thank God he did because at least, I felt at ease knowing that there are still people who stayed with me.
Kasama rin nito si Sieanne na agad akong niyakap pagkakita pa lang niya sa akin. Worried is visible on her face. Ngumiti ako para ipakita sa kaniyang magiging maayos ako.
Luminga-linga ako nang mapansing may kulang.
"Nasaan si Johaness?" Mahinang tanong ko.
"He should be here in a minute. Baka natraffic."
Tumango lang ako at hindi na nagsalita pa.
Umupo na kami dahil anytime ay darating na ang judge.
Gusto ko sanang magtanong kay Jax tungkol kay Storm ngunit pinapangunahan ako ng hiya. Baka isipin niyang hindi pa sila sapat sa akin.
"Focus, Ms. Hadria."
Tila bumalik ang wisyo ko nang marinig ko ang boses ni Atty. Locson. Hindi ko namalayang pinapatayo na pala kami dahil dumating na ang judge. Humingi ako ng paumanhin bago tumayo.
Huminga ako ng malalim bago ko sinubukang pakalmahin ang sarili ko. Itinuon ko ang atensyon ko sa lahat ng mga sinasabi nila at unti-unti ko namang naiintindihan ang mga iyon.
All I did was to comprehend every words that they said.
Pinipilit kong ituon ang buong atensyon ko sa harap ngunit naagaw ito ni Jax nang mapansin kong tila hindi siya mapakali. Palihim ko siyang nilingon at nakita kong kanina pa niya kinakalikot ang cell phone niya.
Who is he texting to? Si Johaness ba?
Doon ko lang din napansin na hanggang ngayon ay hindi pa nakakarating si Johaness. Ayos lang naman iyon sa akin. Pero dahil sinabi ni Jax na papunta na siya kanina, nagsimula akong kabahan. Paano kung may nangyaring masama sa kaniya on his way here?
Wala na akong naintindihan sa mga pinagsasabi nila. Para bang lumipad na ang utak ko sa pag-iisip kung ano ang nangyari kay Johaness.
Biglang tumayo si Jax at walang anu-ano'y lumabas na para bang nagmamadali. That made my heart race fast. Mas kinakabahan pa ako sa kalagayan o kung ano man ang nangyari kay Johaness kaysa sa arraignment ngayon.