Chapter 27

2 0 0
                                    

Chapter 27

"Get a hold of yourself, Tasheeva. Don't let your words be their victory. Your life is on the line."

Tumango lang ako sa sinabi ni Atty. Locson. Alam kong nakikita na nila ang pagkabalisa ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Pakiramdam ko, naghihintay na sa akin si kamatayan.

"Come on honey. You'll be proven not guilty. Umupo ka na dito dahil ako ang nahihilo sa ginagawa mo." Sambit ni mama nang mapansin na kanina pa ako palakad-lakad sa harap nila.

Agad naman akong umupo sa tabi niya at humingi ng paumanhin. Mahigit isang buwan nang buntis si mama at kasabay noon ay ang pagbilis rin ng usad ng kaso ko.

"You are not thinking about your case, right? Tell me, is it Storm?"

Nanlamig ako sa sinabi ni papa. Nilingon ko siya at nakita kong deretso lang siyang nakatingin sa harap. He's void of any emotions. May alam kaya siya sa biglaang hindi pagpapakita sa akin ni Storm?

"It's not like that, pa. Hanggang ngayon kasi, nagtataka pa rin ako kung bakit hindi na siya nagpapakita sa akin. He's not like that." He would never ghost me.

Yumuko ako matapos makaramdam ng hiya sa sinabi ko. Akala ko ay hindi na sasagot si papa dahil iyon naman ang lagi niyang ginagawa 'pag si Storm na ang pinag-uusapan namin ngunit nagulat na lang ako nang makitang padabog siyang tumayo.

"Hindi mo ba nakikita ang sitwasyon niyo, Tasheeva? You are a suspect for killing his grandmother! Lola niya! Ikaw na rin mismo ang nagsabi na siya ang pinakamalapit sa matanda kaya bakit ka pa nagtataka? Ano? Nagbubulag-bulagan ka na lang ba? Malamang ay napaniwala na 'yon ng pamilya niya na ikaw nga talaga ang pumatay sa lola niya dahil sa lahat ng mga ebidensyang hawak nila. Kaya pwede ba? Kalimutan mo na siya at isipin mo muna ang sarili mo kung paano ka makakalabas sa gulong pinasok mo!"

Namumula ang mga mata ni papa at kahit na hindi siya sumisigaw ay mariin naman ang pagkakasabi niya kaya halos makita ko na ang mga ugat sa kaniyang leeg.

Agad na tumayo si mama para pakalmahin si papa. I was left dumbfounded. Maihahalintulad ko si papa sa isang bulkan na sumabog dahil punong-puno na ito. Nakatitig lang ako sa kaniya.

Hindi ako nakaimik lalo na nang nakita ko ang marahas na paglandas ng luha sa mga mata ni papa. He's guilty. I can clearly see it in his eyes.

Nakonsensya siya sa outburst niya but the question is, did he mean what he said?

"Please stop thinking about other people when you are experiencing a disaster. You can think about them once you saved yourself. Kasi Tash, you can't save a person who is drowning when you had already sank."

That was the last thing he said before he turned his back on us. Hindi na siya nagawang pigilan ni mama dahil mas pinili na lang niyang yakapin ako ng mahigpit.

"Please try to understand your father, Tash. You know he only cares for you." Mom said as she gently tucked behind the strands of my hair that fell on my face.

Right. I can't save a person who's drowning when I had already sank.

"Huwag mo hahayaang kainin ka ng emosyon. Tandaan mo, standing firm is the only weapon you can use in this battle. Our chance of winning this case is on the edge of a cliff. Isang maling salita mo lang, mahuhulog ka na. Don't let them take advantage of you." Saad ni Atty. Locson.

We're on our way to the court. Dito na malalaman kung ano ang magiging hatol sa akin ng korte. Paulit-ulit na sinasabi sa akin ni Attorney na maliit lang ang tyansa kong manalo with all the evidences pointing on me.

I once asked myself, bakit pa ba ako lalaban kung alam ko naman na katiting na porsyento lang ang tyansa kong manalo? But then again, a one percent chance is still a chance. It's either I'll die trying or I'll die regretting, asking myself why I did not took the risk of trying.

Beyond the Raging StormWhere stories live. Discover now