Chapter 23
"Why are you crying?" Lumapit sa akin si Tatila. Pinalis niya ang mga luha sa mata ko at wala akong ibang nagaawa kung hindi ang titigan siya.
"I hate seeing people cry. Especially when it's someone who's close to me." Naluluhang dagdag niya.
I blinked twice to make sure that this is not a dream. Ngunit hindi nawala sa harapan ko si Tatila. Sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko hanggang sa nasundan na ng paghagulhol.
"Tatila... I'm scared. Help me please. Tell them you're not yet dead."
Nagsusumamo kong pahayag. Niyakap niya ako nang mahigpit. Ipinatong ko ang baba ko sa balikat niya at niyakap ko siya pabalik.
"Justice will soon prevail, Tash. I am so sorry I burdened you. I am so sorry for being part of why you're suffering and in pain now. Forgive me, anak."
Napahikbi ako. Panaginip lang ba ang lahat ng 'to? Kung oo, sana hindi na lang ako magising. Gusto ko nang sumama kay Tatila. Gusto kong makapagpahinga.
"Storm, my grandson. Every time I ask him to watch a movie with me, we would always end up talking about you. I've never seen him this happy before. You made him the happiest. I want you too to be the happiest when you are together. Things might get rough and the road might be rocky but I assure you that I'll be there to guide you. Now stop crying because it pains me to see you hurting this way."
Hinarap niya ako at binigyan ng isang matamis na ngiti. Ngiting kailanman ay hinding-hindi ko makakalimutan.
"Tatila, sasama ako sayo. 'Wag mo akong iwan dito, la. Ayaw ko na po dito. Pagod na pagod na ako, la." Pagmamakaawa ko. Agad siyang umiling sa sinabi ko. Kitang-kita ko sa mga mata niya na naaawa siya para sa akin. Naaawa siya sa kalagayan ko.
"Hindi pwede, anak. Pasensya ka na but I can't grant you your wish. I'm sorry, I have to go now."
Niyakap niya ako nang mahigpit bago siya tuluyang nawala na parang isang bula. Nagpalinga-linga ako ngunit wala nang bakas ng presensya ni tatila.
"No! Tatila, sasama ako sayo! Huwag mo akong iiwan!" Humahagulhol na pagmamakaawa ko.
"Tatila! Sasama ako sayo! Huwag mo akong iiwan dito!"
"Hadria! Wake up! You have to wake up!"
Humahangos ako nang idinilat ko ang mga mata ko. Agad na bumungad sa akin ang dalawang pares ng berdeng mata.
"Where's tatila? Please let me go with her." Pagmamakaawa ko sa lalaking nakaluhod sa harap ko.
Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. Hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman ko. May karapatan pa nga ba akong mag react?
"Hush now. You'll be fine, Tash. I'm here."
Agad akong napahikbi nang marinig ko ang sinabi ni Kairus. I've never been the emotional and sensitive kind of person. I always make sure to stay calm and focused. What happened to me? Tila hindi ko na makilala ang sarili ko.
Kailan pa ako naging mahina? Kailan pa ako sumuko sa mga problemang dumadaan sa akin?
"I did not kill her. Believe me, please. I want to see tatila. Let me go with her."
Ilan lang 'yan sa mga salitang paulit-ulit kong binabanggit. Hindi ko alam kung kailan ako titigil sa pag-iyak. Hindi ko alam kung may katapusan pa ba ang lahat ng 'to.
Hindi nagsalita si Kairus. All he did was to hug me. He would continuously tap my back gently. I thought that would be enough to at least calm me down. But who am I kidding? He's not Storm.