Chapter 22
Trigger warning: violence, (rape)
"I am so sorry. I promise, babawi ako sayo." Tumigil na ang sasakyan sa labas ng bahay namin at iyon agad ang sinabi ko kay Storm. You can't blame me, I feel bad for having to ditch our supposed to be date. Ngayon ko dapat siya sasagutin but my dad needs me more, I couldn't say no.
"You don't have to worry about me, Beau. Masaya na akong nakasama kita. Besides, you have your own life and you're not my dog." Natatawang sagot niya kaya bahagya akong napangiti.
"I have to go now."
Kinalas ko ang seatbelt ko bago ako lumapit sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi. Ngumisi lang sa akin si Storm at ginulo ang buhok ko. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon. Lakad-takbo na ang ginawa ko nang makapasok ako sa bahay namin.
Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga basag na vase at jar sa living room namin. Kinagat ko ang labi ko nang makita ang malaking family picture frame naming tatlo na halos hindi na makilala dahil basag-basag na ang glass nito. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko bago ako umakyat dahil sigurado akong nasa kwarto ngayon si papa since wala siya sa garden o sa labas ng bahay namin.
Hindi ako nag-atubiling buksan ang pinto ng kwarto nila mama at hindi na ako nagulat nang makita ko doon si papa. Ang kinagulat ko lang ay nang nakita ko si mama na tinututukan ng baril sa ulo ang tatay kong nakaluhod sa harapan niya. Agad na namuo ang galit sa puso ko. Suot-suot pa ni papa ang uniform niya kaya sigurado akong galing pa siya sa trabaho.
"What the fuck are you doing?" Nangangalaiti kong tanong.
Nagmartsa ako papalapit sa kinatatayuan ng ina ko at nang magtama ang mga mata namin ay tila binuhusan siya nang malamig na tubig. Hindi rin iyon nagtagal dahil biglang naging malamig ang ekspresyon niya. Malamig na tingin ang ipinukol niya sa akin na tila ba hindi niya ako nakilala bilang anak niya.
"I am so done. Pagod na ako sa pamilyang 'to kaya hayaan niyo na akong makaalis dito at hahayaan ko rin kayong mabuhay." Malamig na sambit ni mama.
Ikinuyom ko ang kamao ko. Galit na galit ako sa sitwasyon namin ngayon. Gusto kong umiyak dahil sa hindi ko na maintindihan ang mga emosyong nararamdaman ko. Hindi ko inaakalang darating kami sa puntong ito. Masyadong naging maging ang mga pangyayari.
This was supposed to be a happy day. Is this the price that I have to pay for having Storm in my life and for passing the board exams?
"Then what are you going to do next? Sasama ka na kay Xander?"
I didn't know how I was able to talk without stuttering. Tumawa si mama na parang nababaliw na siya.
"Binuntis niya ako at iniwan sa ere. May asawa na pala siya at dalawa kaming kabit niya ngayon. Nakakatawa, hindi ba? Baka ito naman talaga ang gusto mo kaya sige, hindi kita pipigilan kung gusto mong tumawa. Karma na ang lumapit sa akin eh."
Tumulo ang mga luha niya hanggang sa humagulhol na siya. Naaawa ako sa kaniya dahil ina ko siya at masakit sa akin na makita siyang umiiyak. Ngunit hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Gusto ko siyang yakapin pero tila pinapangunahan ako ng galit ko.
"Kaya ko kayong buhayin. Hindi mo na kailangang umalis."
Napatingin ako kay papa na dahan-dahang tumayo mula sa pagkakaluhod niya. Malamig ngunit kalmado ang pagkakasabi niya noon ngunit hindi nakatakas sa mga mata ko ang pagod sa mga namumugto niyang mata. Agad akong lumapit sa tatay ko para alalayan siya.
"Hindi mo 'to anak! Huwag kang magpakamartir! Huwag kang magpakatanga sa isang tulad ko!" Sinigawan ni mama si papa at dinuro-duro pa. Hindi ko napigilan ang sarili ko at agad na lumagapak ang kamay ko sa pisngi niya. I have never slapped nor hurt someone physically until now.