Chapter 17
"You are finally a few steps away from your dreams. Congratulations, future engineers!" The director said with so much glee on his eyes and tone.
Napuno ng hiyawan, iyakan at palakpakan ang buong gymnasium dahil sa wakas ay nagkaroon na rin ng saysay ang lahat ng mga paghihirap namin sa loob ng limang taon. Hindi ko maitatangging sa unang taon ko sa kolehiyo ay muntik na akong mag shift na ako ng course dahil sa unang tingin ko pa lang sa mga activities at exam paper namin ay halos himatayin na ako. Later on, I had come to realize that everything in this world is hard. You cannot just get what you want by merely staring on it, you have to work for it.
I kind of regret that I didn't socialize and had real friends during my first and second years in college. I thought to myself, it would have been easier for me to explore my college years only if I chose to befriend the people around me. But then if I did that, will I still be able to have the genuine friendship and bond that I already have now? I bet not.
"Lodibabes, let's take a picture!" Naramdaman kong hinila ni Johaness ang kamay ko kaya nagpatianod lang rin ako. He took out his camera as he set a timer and we took numerous selfies together. Dahil hindi nawawalan ng mga kalokohan si Johaness ay wala kaming ibang ginawa kung hindi ang magtawanan. Tuloy ay nagmumukha kaming tanga sa mga pictures.
"Come on, just delete that! I look awful!" Saad ko habang pilit na inaabot ang camera mula sa kamay niya.
"You look perfectly fine, lodibabes. Pang wallpaper ko na 'to so just give it up." Natatawang sagot niya. Pinanliitan ko lang siya ng mga mata at natatawang inakbayan niya naman ako. Sabay kaming napalingon nang may nagsalita mula sa likuran namin.
"You should've wait for me!" Seryoso ngunit may bahid ng pagtatampo na sambit ni Jax. Kalauna'y nagtawanan na lang kaming tatlo dahil sa mga pakulo ni Johaness. Gamit ang camera ni Johaness ay nagpapicture kami at dahil ako ang nasa gitna ay pareho nila akong inakbayan and I wouldn't deny that we really look genuinely happy in every shots.
"Hey! Bakit kayong dalawa lang ni Tash ang nasa wallpaper mo? You are so unfair! Don't tell me you like our sister?" Parang batang pagmamataktol ni Jax nang makita ang wallpaper ni Johaness na kinuha namin kani-kanina lang.
"Masyado ka kasing abala, Mr. Summa Cum Laude kaya hindi ka na namin nahintay kanina. Aba, kasalanan ko bang we look cute in this picture? 'Wag kang mag-alala, sa cover photo ko tayong tatlo na iyon."
Inilingan ko lang ang dalawa dahil sa kakulitan nila. And yes, Jax graduated as our summa cum laude at kaming dalawa naman ni Johaness ay parehong cum laude. Jax was tasked to give his graduation speech earlier kaya nahuli siya at bukod pa doon ay magkalayo ang mga upuan namin.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mawari kung bakit iniisip ng ibang kababaihan na cold at masungit ang dalawang ito when in fact, sa isang ngiti lang nila ay maaari na kayong maging instant barkada.
Aside from that, pareho silang pinaghihinalaang bakla dahil ayon sa narinig ko mula sa isang senior high student na madalas na nasa engineering department ay may isang babae na nagpakalat na nakita niyang naghahalikan ang dalawa sa likod ng gymnasium na pareho namang pinabulan ni Jax at Johaness. Naaalala ko pang umigting ang panga noon ni Jax habang nanliliit ang kaniyang mga mata. Kalauna'y nalaman rin namin na ang nagpakalat pala ng chismis na iyon ay isa sa mga nagkakagusto kay Jax at nang umamin ito sa lalaki ay agad siyang nareject. Butt hurt.
"Have you seen my parents?" Tanong ko kay Jax na katulad ko ay nagpapalinga-linga rin. Kasama na ngayon ni Johaness ang pamilya niya kaya medyo napalayo sila sa amin.
"I haven't. They must be looking for you, too." Tumango na lang ako at hindi na nagsalita pa. Ilang minuto lang ay may naramdaman akong biglang yumakap sa akin at sa amoy pa lang nito ay kilala ko na agad kung sino iyon.