Kung gaano ako kasaya noong ilang araw kaming nagbakasyon sa Europa, ganoon din ang ikinasama ng mga sumunod na araw nang makabalik na kami.
Samu't-saring mga problema ang nagsitambakan at hindi ko na alam kung anong uunahin at kung ano ba ang dapat kong gawin.
"Galaxy!" Bati ng kapatid sa kabilang linya na ikinainis ko naman. Hindi ko alam pero tuwing naririnig ko siyang magsalita, naririndi ako. "Guess what? We're going to States! Bibisitahin ka namin diyan—"
"Walang nagtanong, Gemini," sagot ko, hindi mapigilang mapairap. "Just please don't bother me when you come here. I'm busy."
"What? Why? Can't I at least see you once? I have something to tell—"
"Just drop it, okay?" I scoffed. "Ayaw kitang makita kaya huwag mo nang ipilit."
Hindi ko na hinintay ang kaniyang sagot at pinatay na ang tawag. Literal na sumasakit ang ulo ko at kasabay niyon ay ang poot na sa kapatid ko lang nararamdaman tuwing nag-uusap kami.
Tinapon ko ang cellphone sa sofa at saka dumiretso sa kusina para kumuha ng yogurt. Nang makabalik sa salas, napatakbo ako sa may sofa nang makita na kay Nana ko natapon ang cellphone.
Napasinghal na lang ako sabay upo sa sahig at saka umiyak. I don't know what happened but when I arrived from Europe, my teddy bear already had lots of tears and rips and not even my stitching skills can fix it!
I tried fixing Nana but I think I even made it worse. It's like its cloth just suddenly weakened and got too delicate that it would rip even more when I try to stitch it.
Ngayon ko lang din napansing kung gaano na ito kanipis. I had Nana when I was still a child and I hug it to sleep every night. Though it's no surprise that this is happening, it's still heartbreaking that it's wearing out and I might not be able to sleep with it anymore.
I felt silly for crying over a teddy bear so I just let out a sigh and washed my face. I then took a phone and opened my Twitter which I immediately regretted.
Ang mga nangyayari ngayon sa social media ay isa rin sa mga ikinasasakit ng damdamin ko.
Malapit nang mag-isang linggo simula noong umamin si Martell. Ilang araw din kaming nagkita at pumunta kung saan-saan pero kinailangan niyang bumalik sa Europa dahil sa offer sa kaniya.
Hindi ang pag-alis niya ang bumabagabag sa akin kundi ang mga news articles na nagsasabi na nagkabalikan daw sila ni Irene. Iyong record label na nag-offer kay Martell ay may offer din daw kay Irene kaya magkasama sila ngayon.
Maraming mga litrato ang kumakalat at hindi ko mapigilang mapaisip na baka nagkamabutihan nga sila ulit. Kahit pa hindi umamin si Martell noong nakaraan, alam kong maaapektuhan pa rin ako sa usapang ito dahil may gusto ako sa kaniya. Mas nadagdagan nga lang dahil may parte na sa akin na umaasa sa kaniya.
This is the reason why I always try not to like people romantically. Even though I don't want to hope and assume, there's still a part of me that does such thus making me end up getting brokenhearted even though it's just a mere like or crush.
Hindi ko na alam ang gagawin kaya natulog na lang ako. May pasok pa ako bukas at sigurado akong mamumugto ang mga mata ko dahil sa kaiiyak.
Hindi ko alam kung ang dahilan ba ng mga luha ko ay ang pagkainis sa kapatid o dahil sa nangyari sa kay Nana o iyong isyu tungkol kina Martell at Irene. Ang alam ko lang ay ayaw kong nagkakaganito ako dahil nakakabaliw isipin at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman.
"Are you okay?" Ani Sasha sabay tabi sa akin. "We're starting to get worried."
Nasa garden kami ngayon ng paaralan at dito tumambay dahil wala kaming klase at pinagawa lang ng proyekto namin.
BINABASA MO ANG
Secret Heartbreaks
RomanceGazella Avellana is an art enthusiast. And her favorite art among all is Forrest Martell Oliveira. Her life was like that of a fairytale, until a series of plot twists came in her way-- the person whom she considers as the most beautiful art, caused...