34

1.5K 51 7
                                    

We did spend the next three hours in total silence. Si Milena ang unang dumating kasama ang iilang staffs at saka lang umingay ang studio.

Kinausap ko nang kinausap si Milena dahil feeling ko ay nanuyo ang laway ko sa sa pagiging tahimik kanina.

"Pansin ko lang," panimula ni Milena at nilagay pa ang daliri sa kaniyang baba, nag-iisip. "Ba't kayo palagi ang unang nandito?"

I immediately shook my head when I saw her suspicious look. "Wala akong magawa sa hotel," paliwanag ko sabay lapit sa kaniya para maibulong ang karugtong. "At inaabangan ko iyong libreng pagkain."

Kinuwentuhan ko rin siya na nagtataka ako kung bakit ako pinapadalhan ni Margarita gayong galit siya sa akin. Nakinig naman si Milena at tumango-tango. She was pursing her lips the whole time and I'm not sure if she's just intently listening to me or she's just really good in stifling her smile or something.

"Mukhang gulong-gulo ka kaya halika't para maliwanagan ka." Hindi ko pa nga masyadong naintindihan ang sinabi niya ay mabilis niya na akong hinatak sa kung saan. Huli ko nang napagtanto na nasa harapan kami ng seryosong Martell.

"Gazella here is curious on why Margarita is sending her treats when they're not in speaking terms?" Milena questioned, then raising a brow at Martell.

Martell gave her a dark look but Milena looked unbothered. He then turned to me and shrugged, then going back to his camera and ignored us.

"Wala akong sinabing gawin mo 'yon!" Pabulong ngunit may diin kong sambit sa tainga ni Milena pero nagkibit-balikat lang siya at saka ako kinindatan.

Nagsimula na kami sa pag-aayos. At dahil ngayon na ang huling araw ng photoshoot ay maraming naeemosyonal lalo na si Milena.

"By the way, Maurea would like to work with you," Milena said with a smile. "It's a collaboration with a Filipino-Italian bridal designer."

She continued to fill me in with the details and just like this one, if I'll accept the offer, I'll be their model as well. Maurea is a jewelry designer so aside from modeling the said bridal couture, Maurea's creation will also be included.

"And also, if I'm not mistaken, Martell will be the photographer as well," Milena added with a smirk. And before I could even react, she already left and went to the set.

The photoshoot went by quickly and we had a small celebratory banquet afterwards. Isa ako sa mga nagpahuli dahil patuloy kaming nag-uusap ni Milena. Kung hindi nag-alarm ang cellphone ko na kailangan ko nang maghanda para sa birthday celebration ni Babes ay magtatagal pa sana ako.

Nasa labas na ako ng studio pero sa ingay ng boses nila ay naririnig ko pa rin sila. Pumunta rin kasi si Maurea at ang designer na tinutukoy ni Milena kanina at kinausap nila ako.

"If Gazella won't accept, then I guess we can get Maliaxinne to model for us," Valtrisse, the designer, said. "But it's up to you, Maurea, I trust you on this one. I still have some... uh... other matters to attend to."

Hindi ko alam kung ba't ako nanatiling nakinig. Feeling ko tuloy napakachismosa ko na. I guess hearing Maliaxinne's name intrigued me to stay.

Napailing na lang ako at aalis na sana nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa niyon si Milena at Maurea. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko pero tinanggihan ko ang offer nila. Nanghihinayang pa sila at ayaw pa sana akong pakawalan ngunit nag-alarm ulit ang phone ko.

"Why did I do that?" Pagkausap ko sa sarili at saka napatingin sa salamin. Napailing na lang ako at nagsimula na sa pag-aayos.

Sa bar gaganapin ang selebrasyon ni Babes. Kaunti lang naman ang invited at inimbitahan ko rin sina Magnolia, Marigold, Caramel at Vanilla. Iyong mga kaibigan kasi ni Babes ay nasa Pilipinas kaya kami-kami lang ang makakapag-celebrate.

Secret HeartbreaksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon