36

1.7K 57 20
                                    

"So, how are you and your baby daddy?" Caramel asked with a smirk, her brows wiggling teasingly. She moved her chair nearer to mine's and gave me an attentive look.

Kasalukuyan kaming nasa labas ng ICU dahil nasa loob ang kapatid ni Sugar. Nagulat pa nga kami dahil sa pagkakaalam namin ay only-child ang kaibigan ngunit hindi naman maitatanggi na magkapamilya nga sila ng babaeng nagpakilalang kapatid ni Sugar dahil marami silang pagkakahawig.

I sighed, then started telling them. Ever since they found out about Martell, they got more and more curious. It's like their thirst for my love life can't be fully satiated. Though I also couldn't stop myself from filling them in since I'm enjoying it too for some unknown reason. It's like we're back to our early high school days with all these "boy-talks".

"He gave you a love mark?" Ani Vanilla habang kumikinang ng kuryosidad at pagkamangha ang kaniyang mga mata. "Let me see!"

"Anong love mark?! Hickey 'yon, pinasosyal mo lang," ani naman ni Caramel at napailing na lang dahil sa isang kaibigan. "I don't want to see it but... how was it?" She asked while wiggling her brows.

I scoffed. "Nakuwento ko na nga sainyo diba?"

Nagkibit-balikat lang ang dalawa at patuloy akong kinausap. Hindi na rin naman ako nagtagal sa hospital at dumiretso na sa hotel. Nadatnan ko si Babes sa labas ng kwarto ko at mukhang hinihintay ako.

"Huy! Sismars! Salamat sa mga regalo, ah!" Ani Babes at tumakbo sa kinaroroonan ko at saka ako niyakap. "May pa sorry-sorry ka pa noong nakaraan pero may regalo ka naman pala."

"Huh?" Lito kong tanong. Sa pagkakaalam ko, hindi ko nabigyan si Babes ng regalo dahil naiwan ko sa restaurant ang mga pinamili ko na si Martell pa ang nagbayad. Unless... pinadala ni Martell kay Babes?

"Kaloka ka! Tama na ang pa-humble," ani Babes at saka humalakhak. Sandali kaming nag-usap bago ko siya pinaalis. Wala naman kasi akong ipapagawa kaya sinabihan ko na lang siya na pwede na siyang maglakwatsa.

Naligo ako at saka nagbihis. Wala akong maisip na pwedeng gawin kaya humiga na lang ako sa sofa at tumunganga. Nang gumabi ay um-order lang ako mula sa restaurant sa ibaba at sa kwarto kumain.

Patuloy akong binabagabag ng nangyari kahapon kaya hindi ako nakatulog kahit gusto ko nang magpahinga. Napasinghal na lang ako at tumungo sa balkonahe at saka nagpahangin. Bumalik lang ako sa loob nang narinig kong mag-ring ang cellphone.

Bago itong cellphone ko dahil nasa kay Martell pa ang cellphone ko. Pinabili ko ito kay Babes nang maiwan ko ang bag noong nag-meeting kami.

Hindi ko alam kung sino itong tumatawag dahil unregistered ang number pero sinagot ko pa rin.

"Hello? Gazella? Is this you?" A familiar voice asked on the other line. "This is Gabriello."

Pagkatapos niyon ay may t-in-ext siyang address ng isang bar at saka ako pinapunta roon. Kinailangan ko pang magbihis dahil baka may dress code at hindi pa ako makapasok. Hindi ko alam kung ba't ako tinawagan ni Gabriello dahil ang sinabi niya lang ay kailangan kong pumunta roon.

"Why did you call me?" Nalilito kong tanong sa mga pinsan ni Martell na nginitian lang ako. Nakakagaan ng loob na mabuti ang pagtrato nila sa akin kahit pagkatapos ng pag-alis ko noon.

"You're the first one we thought of," Chloe said, then glancing at Martell who was asleep on the corner of their booth. "Plus, he's looking for his 'Axyne'. He's looking for you so we called you."

I bit my lips, unsure on what to feel because of what they said. Is it normal to feel a tug on my heart when I heard that he's looking for his "Axyne"? I mean... does it mean something? Or am I just getting lost in my fantasies again?

Secret HeartbreaksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon