Moon Eunji's
"Ano gusto mong siomai? yung pork or chicken?" tanong ni Jungwon
"Hmm.." I mumbled
"Dali naaa!!" sigaw nya
"Oh sige, BOTH!" sigaw ko
"Hati hati tayo sa bayad ah" sabi nya
"Gege, besides madami din naman yung siomai eh" sabi ko
"Oh asan na?" tanong nya habang nakabukas yung kamay nya
"Teka lang" sabi ko habang hinanap ko yung pitaka ko sa bulsa ko
"Nasan pitaka mo?" tanong nya
"Syet, naiwan ko ata sa bag ko" sabi ko while showing him a worried face
"Ay.. ano nalang, ako nalang muna magbabayad tsaka pagbalik nalang natin dun mo na ako bayaran" sabi nya
"Sige sige, sorry talaga" sabi ko
"Oks lang yun, eto po ate yung bayad" sabi nya habang binigay nya yung bayad sa tindera
Kinuha na nya yung plastic na may siomai sa loob sa may gilid
"Ano tara?" tanong nya
Di ako sumagot at tumayo lang ako sa isang pwesto
"Huy?" tanong nya
Di ulit ako sumagot
"Huy anyare sayo?" tanong nya
"Sorry talaga.. napakaburara ko kase.." sabi ko habang napatingin sa baba
"Ano ka ba! Oks lang yun, tara na ang init init oh" sabi nya habang ginulo buhok ko
"Ayusin mo buhok ko mamaya! Mahirap kaya toh i-style!!" sigaw ko
"Oo naaa~" sabi nya
Naglakad kami ulit patungo ng school, grabe yung pawis ko
"Nangangamoy pawis nako jusko" sabi ko
"Atleast amoy baby powder" sabi nya
"Ehe, mahilig talaga ako mag-pulbos noh since baby pako" sabi ko
"Ganyan din ako nung bata pako hahaha, kaso di nako nagpupulbos" sabi nya
"Why naman?" tanong ko
"Naaalala ko si mama sa amoy, sya lagi naglalagay sakin ng pulbos dati" sabi nya
"Aww.. di ka ba bumibisita sa parents mo?" tanong ko
"Once every year lang, nabisita ko sila 2 months ago" sabi nya
"Sad naman nyan, kung ako yan di ko kakayanin layp hahaha" sabi ko
Napangiti lang sya, isang ngiti na nagpapakita ng kalungkutan..
"Oks ka lang?" tanong ko
"Oo hahaha, atleast andito ka para saken" sabi nya
"Ang dry ng tawa mo grabe, dapat kase HAHAHAHA" sabi ko habang may tawa
"HA.. HA.. HA.. oh ayan happy?" tanong nya
"Pilosopo." sabi ko
"Sorry na HAHAHAHAHA" napatawa sya
"AYUN! YUN TAMA YON" sigaw ko
"Grabe ka makasigaw muntik ko na mahulog yung siomai" sabi nya
"Takbo na nga lang tayo gutom na gutom na talaga ako" sabi ko
"Oh sige byeeeee!!" sigaw nya habang tumakbo
"Bwesit tong lalake- akala ko pagong" sabi ko
Tumakbo ako sa kanya at sinapak sa likod
YOU ARE READING
〄 : 𝐋𝐈𝐓𝐄𝐑𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄 || 𝙔 . 𝙅𝙐𝙉𝙂𝙒𝙊𝙉
Fanfiction━━ www.https//literature.com ❝ akala ko hindi moko iiwan, biro lang ba yun? ❞ ㅡ COMPLETED (엔하이픈) ➴ ENHYPEN series #1 | epistolary, chat series and narration ➴ yang jungwon x moon eunji © tteokkiyo 2021