Moon Eunji's
"Eunji, gising na" narinig ko yung boses ni Jungwon, nakatulog pala ako..?
Pagbukas ko ng mga mata ko.. my head was on his shoulder.. shucks ano toh-
"Tara baba na tayo" sabi nya habang tumayo
"Teka nalilito ako-" sabi ko habang nilagay ko yung kamay ko sa ulo ko
"Bakit naman?" tanong ni Jungwon habang napaupo sya ulit sa tabi ko
"Ewan ko haha" sabi ko
"Ay, sooo? Tara?" tanong nya
"Tara.." sabi ko
Naglakad na kami patungo sa cat cafe, wala pa masyadong tao around the area kapag maaga ka pupunta dun. Kaya medyo sumaya araw ko since peaceful naman.
"Goodmorning po, susunduin ko na po yung pusa" sabi ni Jungwon
"Ah goodmorning sir, upo po tayo dito sir and I will prepare the payment details" sabi ng may-ari
Umupo kaming dalawa sa table na itinuro ng may-ari, tinignan ko si Jungwon.. mukhang excited din naman sya nung nakita ko smile nya
"Ito po sir, I just need you to fill this up and sign your signature" sabi ng may-ari habang may binigay na papel
Jungwon focused on filling up the paper kaya naging tahimik
"Am I allowed to see the cat?" binulong ko kay Jungwon, gusto ko makita yung bagong pusa nya
"Sure sure go ahead" sabi ni Jungwon
"Ms. pwede ko po ba makita yung pusa?" tanong ko
"Of course ma'am, wait here po" sabi nya
Naghintay ako ng mga 3 minutes and pagbalik ng may-ari hawak na nya ang pusa na i-aadopt ni Jungwon
"Wow, I didn't expect it to have this very soft fur" sabi ko habang hinawakan ko ang pusa
"Eto na po yung papel" sabi ni Jungwon habang binigay na nya ang papel sa may-ari
"Okay po sir, wait here and then we'll proceed with the payment" sabi ng may-ari
"Sige po" sabi ni Jungwon
"Achuchu~" sabi ko habang nilapit ko yung mukha ko sa balahibo ng pusa
Tinitigan ako bigla ni Jungwon, "Hoi akin yan" he said.. grabbing the cat he was about to adopt away from my arms..
"Abah, ang sungit neto ah" sabi ko
"Totoo naman ah, ako naman yung mag-aadopt di naman ikaw" he stated
"Nakikipaglaro lang ganyan ka na kasungit, di nalang kaya kita samahan bumili ng mga gamit para sa pusa mo. Tignan natin kung kakayanin mo mag-isa" sabi ko habang tumalikod ako
"Sorry na huy, tulungan mo na ako please?" he apologized
"Ayoko" I said clearly
"Iyak nalang ako" sabi nya habang pumunta sya sa corner ng cafe tas nagsquat while facing the wall
Parang bata.. putcha ka Jungwon ba't ang cute mo..
"Woi halika dito nagmumukha kang nag-iisang tae dyan" sabi ko
"Tinawag mo pa akong tae" sabi nya
I rolled my eyes then went near him, ginulo ko buhok nya at nagsorry ulit.. "Sorry na nga diba?" I said
"Yun" sabi nya habang napatayo sya
"Ha?" nagtanong ako kase nalutang pa ako
"Yun, sincere na sorry na yun.." sabi nya
"Sir let's do the payment process?" tanong ng may-ari
"Ay oo nga pala" sabi ni Jungwon habang lumapit sya sa may-ari
Nagbayad na sya at nagpasalamat sa may-ari, the owner did the same.. she bowed and gave thanks to Jungwon for adopting a cat from her cafe..
Lumabas na kami, yung pusa nasa kamay ni Jungwon.. I'm very curious kung ano name ng bago niyang cat so I asked
"Ano ipapangalan mo?" tanong ko
"Di ko pa alam eh" sabi nya
"Gagi bumili ka ng pusa tas di mo bibigyan ng pangalan?" sabi ko while patting the cat's head
"Bakit ba, malamang kakabili ko lang. Nag-eexpect ka ba na may pangalan na akong hinanda kagabi?" tanong nya
"I mean- oo.." sabi ko
"Pag-isipan ko muna, tara punta na tayo sa mall" sabi nya
"Oo sige tara na.." sabi ko
Okay nakakahiya yun, ba't ako nag-expect jusko.
YOU ARE READING
〄 : 𝐋𝐈𝐓𝐄𝐑𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄 || 𝙔 . 𝙅𝙐𝙉𝙂𝙒𝙊𝙉
Fanfiction━━ www.https//literature.com ❝ akala ko hindi moko iiwan, biro lang ba yun? ❞ ㅡ COMPLETED (엔하이픈) ➴ ENHYPEN series #1 | epistolary, chat series and narration ➴ yang jungwon x moon eunji © tteokkiyo 2021