Moon Eunji's
We went out, we had fun. Sinigurado din namin na walang estudyanteng galing sa school namin ang nakakita samin. Nag-enjoy ako sobra, everytime I'm with Jungwon.. he makes me so happy.. Minsan kapag nadodown ako andyan sya palagi para icomfort ako kahit di nya alam ang nangyayare. Di ko alam pero di pa ako nakapag-thank you sa kanya today, medyo napagod din kase ako sa lakad kaya maaga kami umuwi.
"Eunji kakain na!!" sigaw ni mama
"Opo!!" sigaw ko, bumangon ako kaagad sa higaan para kumain ng dinner. Matagal ko nang hindi nakakasabay si mama at Daewon kapag kumakain ng dinner, kase si Jungwon ang palagi kasama ko.
Lumabas ako sa kwarto, nakikita ko si Daewon na kumakain ng manok pasikreto sa ilalim ng lamesa. Lintek na batang toh ang pasaway.
"Hoy ulol lumabas ka dyan" sabi ko
"Mama oh tinawag akong ulol" sabi ni Daewon
"Tsk bahala kayo magkapatid, parehas lang kayo. Akala nyo talaga di ko kayo naririnig magmura ha" sabi ni mama
Lumabas si Daewon sa lamesa at napatingin sakin, lumaki yung mga mata parang tarsier.
"Amputcha pano nalaman ni mama na nagmumura ako?" bulong saken ni Daewon
"Ma amputcha daw sabi ni Daewon, pano mo daw nalaman na nagmumura sya" sabi ko habang napatawa nung sinapak ako ni Daewon
"Eh pano ko di malalaman? anlakas nyan sumigaw sa kwarto nya kapag naglalaro" sabi ni mama
"Damn it" sabi ni Daewon
"Abah, ano toh? tagalog to english agad yung pagmumura?" sabi ko
Tumingin saken si Daewon na parang ipapatay nya ko, jusko ano na ba nangyare sa batang toh?
"Pakyu!" sigaw ni Daewon saken, aba'y sapakin ko kaya tong hayop na toh.
Tumakbo sya sa kanyang kwarto habang tumayo ako para habulin sya
"WOI WALA KANG RESPETO SA ATE MO!!" sigaw ko
"WALA AKONG PAKE BLEEEH" sigaw nya
Amputek, sumbong ko na kaya toh kay Jungwon para di na sya bilhan ng pocky hmph.
"Daewon!! kakain palang eh!!" sigaw ni mama
"Hayaan mo yun ma, bahala sya kapag sya magugutom" sabi ko
"Busog nako ma! kumain ako ng manok pasikreto sorry! HAHAHAHAHA" sigaw ni Daewon habang napatawa, edi sya na yung mautak tangina.
Kumain na kami ni mama habang nagkwentuhan kung ano nangyayare lately, sinabihan ko sya about kay dad and she was furious. I never thought na ganon ang magiging reaction ni mama, but I guess she cares so much for me and Jungwon.
Nagtungo ako kaagad sa kwarto at humiga, inopen ko yung wattpad ko since matagal ko na toh hindi nagagamit.
Chineck ko followers ko, 5k followers na pala ako. Notifications ko sumabog. 9,589 notifications. Andaming nagpm sakin, nagtatanong kung kelan daw ako mag-update.. madami din ang nagkalat sa message board ko, asking the same thing.
I feel bad for those people reading my stories. They must've been waiting for how many months kung kelan ako mag-update. Busy na busy kase ako and now that I have a boyfriend, I only give my attention to him and people who are important to me.
YOU ARE READING
〄 : 𝐋𝐈𝐓𝐄𝐑𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄 || 𝙔 . 𝙅𝙐𝙉𝙂𝙒𝙊𝙉
Fanfiction━━ www.https//literature.com ❝ akala ko hindi moko iiwan, biro lang ba yun? ❞ ㅡ COMPLETED (엔하이픈) ➴ ENHYPEN series #1 | epistolary, chat series and narration ➴ yang jungwon x moon eunji © tteokkiyo 2021