Marahang bumangon sa kanyang kinasasadlakan si Juan habang pupungay-pungay ang mga mata. Tulad pa rin ng dati, maingay ang paligid na kanyang kinalakihan. Punong-puno ng iba't ibang usapan ang lugar.
Naririnig na naman niya ang mga pamilyar na tinig ng mga kababaihan na nag-uusap tugkol sa kasiraan ng kapwa na wari niya'y tuwang-tuwa pa ang mga ito. Sa kabilang bahagi naman ay may naririnig siyang mahihinang bulungan ng mga kalalakihan na tila may balak na 'di maganda.
Napailing na lang siya. Kung dati-rati'y iniisip niyang pinagsakluban siya ng langit at lupa dahil sa kanyang kondisyon— pagiging bulag at pipi– nagkamali siya. Lubos pa pala siyang mapalad dahil hindi nagkakasala ang kanyang mga paningin. Hindi rin siya nakakagawa ng bagay na maaaring ikasira ng kapwa niya gamit ang mga salita. Lubos na mas mapalad pala siya sa mga taong nakakakita at nakakausal ng mga salita, dahil ang isang tulad niya ay ligtas sa kasalanang madalas nagagawa ng mga tao sa paligid niya.
BINABASA MO ANG
Flash Fiction
RandomMga tinipong basura, kalat, ka-ek-ek-an at kung ano-ano pa. Maiikling kwento na bunga ng tamad na pag-iisip ng may akda.
