Nakaupo ako sa labas ng bahay namin, nakaharap sa luma at abadonadong bahay. Alas tres ng umaga. Madilim pa ang paligid, tanging huni lang ng mga insekto ang aking naririnig. Nang walang ano-ano'y isang malakas na kalabog ang narinig ko.
Napatayo ako sa aking kinauupuan at napatingin sa lumang bahay. Bukas na ang pinto nito at may puting usok na lumalabas mula roon. Ilang sandali pa ay may dalawang malalaking bola ang tila lumututang sa himpapawid.
Dahil sa takot na unti-unting sumasakop sa akin ay napagpasyahan kong pumasok na muli sa aming bahay. Pero huli na ang lahat. Naramdaman ko na lang ang isang malagkit at madulas na bagay ang nakapalupot sa aking katawan. Nang tingalain ko ito ay napasigaw na lang ako.
Isang dambuhalang ahas ang ngayo'y nasa aking harapanat handa na akong sunggaban.

BINABASA MO ANG
Flash Fiction
De TodoMga tinipong basura, kalat, ka-ek-ek-an at kung ano-ano pa. Maiikling kwento na bunga ng tamad na pag-iisip ng may akda.