Paalam

52 0 0
                                    

May mga panahon talaga na panghihinaan ka.
Mga panahong pakiramdam mo... wala kang kwenta.
Lahat ng ginagawa, walang tumatama.
Halos lahat na lang... mali.
Kaya silang lahat, napapapakli.
Ipinanganak ka lang yata talaga para magkamali.
'Yun ang purpose mo, ang tanging misyon mo.
Minsan gusto mo na lang mawala.
Para tapos na lahat.
Para wala nang bigat.
Para matapos na ang sakit.
Himala't may pakiramdam pa pala.
Akala mo wala na.
Manhid na.
Sa pangmamata.
Sa pang-aalipusta.
Lahat-lahat na.
Kaya tatawa na lang.
Ngunit pagkagat ng dilim, kasabay ng ulan, babagsak ang luha.
Mabubuhay ang mga matang tila walang kulay.
Didiligan ang tuyong mga pisngi.
Bibigat ang paghinga.
Nanaising tapusin na ang lahat.
Pagod na pagod.
Hirap na hirap.
Ayaw nang lumaban pa.
Paulit-ulit.
Kaya pagsapit muli ng umaga, hindi mo na ito masisilayan pa.
Pagkat ika'y manlalamig na.
Mga mata'y hindi na muling mumulat pa.
At ang mabigat na paghinga ay tuluyang titigil na.
H'wag kang mag-alala... tapos na.
Mamahinga ka na.

Flash FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon