Hindi Ka Maganda

31 0 0
                                        

Sabi mo, hindi ka maganda.
Sa tuwing haharap sa salamin ay parati kang napapailing. Mapungay na mga mata, ilong na kay tangos, mga mapupulang pisngi, kulay rosas na mga labi— lahat ay pawang ipinagdamot sa 'yo kaya't ika'y napapapakli.

Hindi ka maganda.
Dahil pisngi'y puno ng peklat na nagbigay sa 'yo ng kakaibang pakiramdam. Kumpiyansa sa sarili mo'y tila tumakas na.

Hindi ka maganda. Sapagkat buhok mo'y buhaghag— magalas. Walang buhay. Bagsak.

Hindi ka maganda. Wala lang. Basta hindi ka lang pasok sa standard ng mundo.

Sandali... teka. Hindi nga ba?

Sigurado ka na ba? 

Kung ang kahulugan lang pala ng kagandahan para sa 'yo ay tungkol sa panlabas na kaanyuan— masyado kang mababaw. Ang panlabas ay nababago.
Kumukulubot.
Natutuyot.
Mas nakakahalina pa rin para sa iba ang ugaling kay ganda; Bukal na puso at mukhang pala-tawa.
Kung nais mong maging maganda sa paningin ng iba, sarili muna'y tangkilikin at mahalin.
Sapagkat lahat ay nilikhang may angking ganda at talento.
Iba-iba.
Kaya't sa huling pagkakataon, tatanunging muli kita,
Hindi ka ba maganda, sigurado ka na?

Flash FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon