Minsan sa buhay mo darating sa punto na mapapasabi ka na, "Ayoko na. Tama na."
'Yung tipong umaakto ka na malakas sa labas, pero sa loob... wasak ka na pala.
Tumatawa ka sa harap ng iba ngunit sa totoo lang, gusto mong umiyak. Humagulgol sa harap nila.Parati mong sinasabi na, "Ayos lang ako. Buhay pa." Kahit na ang ibig mo talagang sabihin ay, "Tulungan mo ako. Hindi ko na kaya."
Gusto mong ipakita sa lahat na ika'y malakas. Kahit na ang totoo ay mahina ka naman talaga.Sa araw-araw, ang iyong suot ay iisang maskara. Hindi ng kasiyahan; at lalong hindi ng kalungkutan; kundi... maskara ng kasinungalingan.
'Di mo kailanman ninais na kanilang masulyapan ang iyong tunay na kalagayan.
Ang iyong paghihirap. Hinagpis. At mga kabiguan.At ngayon, sa unang pagkakataon ay pikit mata mong tinanggal ang iyong maskara— ang pananggalang na pilit nagtatago sa iyong totoong nararamdaman.
Luhaan.
Sugatan.
Nahihirapan.
Walang matakbuhan.
"Pakiusap... tulungan mo ako. Hindi ko na kaya."

BINABASA MO ANG
Flash Fiction
RandomMga tinipong basura, kalat, ka-ek-ek-an at kung ano-ano pa. Maiikling kwento na bunga ng tamad na pag-iisip ng may akda.