Sa kalagitnaan ng gabi ay bigla kang nagising. Mabilis ka namang bumangon at nagtungo ng banyo para maghilamos.
Nang humarap ka sa salamin ay agad kang napatulala. Wala kang repleksyon. Dahil sa takot ay mabilis kang nagtungo sa'yong silid. Halos mabato ka sa 'yong kinatatayuan nang makita mo ang 'yong sarili na nakahiga at nahihimbing ng tulog.

BINABASA MO ANG
Flash Fiction
RandomMga tinipong basura, kalat, ka-ek-ek-an at kung ano-ano pa. Maiikling kwento na bunga ng tamad na pag-iisip ng may akda.