Madilim ang kalangitan. Tahimik ang paligid at tanging paghinga mo lang 'yong naririnig. Nasa labas ka ng bahay n'yo. Galing ka sa bahay ng 'yong kaibigan at kauuwi mo lang.
Marahan mong hinakbang ang 'yong mga paa. Takot na takot ka na makalikha ng kahit na anong ingay na maaring makagising sa 'yong ama't ina. Hindi ka kasi nagpaalam na aalis ka. Alam mo rin kasi sa 'yong sarili na kahit magpaalam ka ay hindi ka nila papayagan. Iyon ang dahilan kaya't tumakas ka.
Sandali kang tumigil sa paghakbang. Pakiramdam mo ay bumigat ang 'yong katawan. Ilang saglit pa ang lumipas ay may mga yabag kang naririnig. "Nagising kaya sila?" bulong mo pa sa 'yong sarili.
Isang ihip mula sa 'yong tainga ang 'yong naramdamam. Pagkatapos, isang bulong ang sumunod, "Wag kang lilingon."
"Pa, 'wag mo na akong takutin. Hindi na ako uulit," sambit mo habang unti-unting humaharap sa 'yong likuran.
Agad ka namang nakaramdam ng pananakit sa 'yong dibdib. Nagsimula na ring manlabo ang 'yong paningin. Hindi mo na magawang makitang mabuti kung sino ang nasa iyong harap.
"Sabi ko naman kasi, 'wag kang lilingon." Isang saksak muli mula sa iyong dibdib ang 'yong naramdaman.
Napaluha ka na lang habang unti-unting nawawalan ng ulirat. Ngayon ka nagsisisi kung bakit tumakas ka pa kahit na pinagbawalan ka ng 'yong mga magulang. Ang simpleng pagsuway lang pala sa utos nila ang 'yong magiging katapusan.
![](https://img.wattpad.com/cover/23514308-288-k673779.jpg)
BINABASA MO ANG
Flash Fiction
RandomMga tinipong basura, kalat, ka-ek-ek-an at kung ano-ano pa. Maiikling kwento na bunga ng tamad na pag-iisip ng may akda.