Pauwi ka na galing eskwela nang may makasalubong kang matandang babae. Lumapit ito sa'yo saka nanghingi ng limos. Agad ka namang nakaramdam ng habag sa hitura ng matanda.
Gula-gulanit ang suot nitong lumang bestida. Hindi rin sa'yo nakaligtas ang mga sariwa nitong sugat sa braso at noo.
Kinuha mo ang 'yong bag sa likuran at kinapa ang iyong pitaka. Nang makita mo na ito'y aabutan mo na sana ang matanda ng kaunting barya, ngunit bigla na lang itong nawalang parang bula.

BINABASA MO ANG
Flash Fiction
RawakMga tinipong basura, kalat, ka-ek-ek-an at kung ano-ano pa. Maiikling kwento na bunga ng tamad na pag-iisip ng may akda.