CHAPTER 29
[AIRI’S POINT OF VIEW]
Two days.
Two days akong di kumain. O lumabas ng kwarto. O nagsalita ng kahit isang letra.
I grieved. I cried until I had no tears left to cry.
Di ko alam na ganito pala kabigat to lose someone.
It’s very hard to move on and accept that the person you loved isn’t living in this world anymore.
And now, I have a little courage to face the reality. Yeah, a LITTLE.
Di ko alam. Kaya ko na ba talaga?
Kahit na may doubts ako, my mind tells me that I have to. Kasi di ko matatakbuhanang realidad kahit gustohin ko man.
Kahit na gusto mong bumalik sa nakaraan para baguhin ang mga nangyari, di ko magawa.
Sana ako nalang si Sakura Kinomoto para magamit ko ang Time Card para ibalik ang oras. Sana ako nalang si Kagome para tatalon nalang ako sa well para bumalik sa past.
Sana ako nalang......
Punong puno ako ng ‘what ifs’ sa utak ko.
Wala akong imik na umupo sa hapagkainan namin at kumain.
Parang wala akong marinig na sinasabi nila kuya, papa o mommy sakin.
“Airi! Goodmorning~”-Steff
Tiningnan ko lang sila at nginitian. Umupo na ko sa upuan ko.
Nilapitan nila ako na parang nagtataka sa kilos ko.
“Are you alright, Airi?”-Canada
“Yeah, okay lang ako.”walang gana kong sagot.
Kahit na di sila naniwala sa sinabi ko, nanahimik nalang sila na parang naiintindihan ako na gusto kong mapag-isa.
Duamting si Alex at umupo sa tabi ko.
Nakatulala lang ako sa kawalan at sa peripheral vision ko, parang napatingin sya sakin.
“Anong problema?”Tanong nya sakin.
Tiningnan ko sya, ngumiti at umiling. “Wala.”
---
Nandito kaming dalawa sa rooftop.
Nakaupo sya sa sahig at nagbabasa. Nakaharap lang ako sa kanya at tinititigan sya.
“Didn’t I tell you it’s rude to stare kahit alam kong gwapo ako?”
Siguro kung di lang ako nagluluksa ngayon, nabatukan ko na toh. -_________-
Iniwas ko nalang ang tingin sa kanya.
Kaya pala. Kaya pala nung una kaming nagkita, magkamukha sila.
Axel is Alex’ twin. And Axel is dead.
“Alex... naalala mo pa ba ung sinabi ko sayo noon? Ung tungkol kay Axel?”Bigla kong sabi.
Naramdaman kong napatingin siya sa dako ko.
“He was my first bestfriend. My first love. My most important person in the world.”
Tahimik lang syang nakikinig sakin. I looked at him.
“But he’s gone.”I told him. Kahit na di nag-iba ang ekspresyon sa mukha nya, nababasa ko ang mata nya.
Naramdaman kong may tumulong luha sa mga mata ko. “I...I didn’t know. He’s gone... he’s gone in this world.”
“Two days ago, nakilala ko ng buo ang pagkatao nya. Nakilala ko kung sino sya. You know what his name was?”Tanong ko sa kanya pero nakatitig lang sya sakin at di sumagot. “His name is Alexandre Skyle Lee.”
Nanlaki ang mata nya.
“Yes, Alex. I went to your house, pero si Ate Alexa lang ang nandun nun. Nung tiningnan naming ang photo albums nyo sa bahay, inakala ko ikaw ung bata dun sa ibang pictures, pero hindi pala.”
Tuloy tuloy ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko at kahit anong pilit ko, di ko magawang pigilan. “Nalaman kong may kakambal ka pala, pero mas kinagulat ko kung sino ang kakambal mo. Axelandre Skyle Lee, your twin.”
“Nagkaroon ako bigla ng pag-asa. Nasa isip ko, makikita ko na sya. Pero hindi pala.”
Nagsimula na syang lumapit sakin. “He died... He died... without letting me see him. And I hate myself for that. Ang t*nga ko! Ang t*nga t*nga ko!”
Nagulat ako ng biglang naramdaman kong niyakap ako ni Alex.
“Di ko na alam Alex..... Di ko na alam ang gagawin ko. Ang sakit.... Ang sakit sakit! To the point na di ko na ata kakayanin tong sakit na toh.”
Lalong humigpit ang hawak nya saken.
“Ano bang dapat kong gawin Alex? Ano?!”Di ko na namalayan na napayakap na din ako sa kanya.
“Ssshhhh..... It’s alright. It’s gonna be alright. I’m here.”Sabi nya.
And I cried again.
BINABASA MO ANG
A Love Tale(Completed)
RomanceCompleted || Longing for his lost saviour, magugulantang ang tahimik na mundo ni Airi ng makilala nya ang prodigy na si Alex. Tahimik, gwapo, matalino pero walang kapaki-pakialam sa mundo. Kakayanin kaya ng pasensya ni Airi na baguhin ang napaka-ar...