CHAPTER 07.2
[AIRI’S POINT OF VIEW]
<~Uwian~>
Heto ako naglalakad palabas ng gate. Pauwi na syempre, kaya uwian nga eh.
Sayang di ko kasabay si.............Steff. :/
Oh ano, sinong akala nyo, si Alex? Abah, ano kayo sineswerte? Di kami close. AS IN DI KAMI CLOSE. Pero friends ba kami nun? Ewan di ko din alam status namin eh. Siguro classmate lang. -__-
May practice kasi si Steff sa volleyball kasi may laban daw sila next next week eh may fieldtrip pa kaya one week daw silang di makakapag-practice. Si Alex naman soccer team member at basketball team kaya ayun, bugbog sya sa practice. Nakakaawa pero nakakatawa ang itsura. Mwahaha!
Lalo syang pumapanget kapag pinapawisan. XD Di sya katulad ng mga pinagpapantasyahan ng mga kababaihan na hot at sexy pag wet look. Syempre, sa pananaw ko lang yan.
“Geh, bye Steff! Goodluck sa practice! ^__^”-ako
“Bye Airi!!”tapos tumakbo na sya sa field. Kakatapos lang kasi ng break nila.
Palabas na ko ng gate nung biglang may tumigil na sasakyan sa harapan ko at may lumabas na mga lalaking nakaitim at naka-shades. Bodyguard ang peg? xD
O sige, natawa lang ako pero nagulat ako ng bigla nila akong hinawakan at pinipilit na ikaladkad papasok sa loob ng kotse.
UWAAHH!! Ano toh?! Kidnap? Kinikidnap ba ko? Kinikidnap ba ko dahil sobrang ganda ko at di nila ako matiis tingnan lang?! Pagbigyan nyo na ko, libre lang mangarap.
At bakit ko ba nagagawang magjoke ngayon na kinikidnap na ko.
“WAAAHHH!!!”Sigaw ko. Pinipilit kong kumawala sa hawak nila pero... T___T Ang higpit ng hawak nila. Feeling ko madudurog na ang buto ko sa ilalim ng balat ko.
Uwaahh! Somebody help me!! Tulungan nyo ko!!!
“TULOONGGG!!!”sigaw ko. Tapos bigla nalang natulak na ko papaloob ng kotse.
Uwaaahh! Kahit na may pera pang-ransom ang pamilya namin, di pa rin belong ang kagaya ko sa isang madilim at nakakatakot na warehouse.
At for the second time... ayoko nang makidnap ulit. T__T
Masyado akong malapitin sa kidnappers.
Tapos pasara na ung pintuan ng kotse nung biglang...
*BLAG*
*BOOGSH*
Biglang bumukas ulit ung pintuan at nakita ko si...
ALEX?
Hinila nya ko papalabas ng kotse.
Nakikita ko sa mata nya ang galit at... pag-aalala?
Is he... worried of me?
“Sinong nag-utos sa inyo na gawin to? Sabihin nyo o mawawalan kayo ng trabaho.”sabi ni Alex habang nakahawak sya saken. Actually, parang akbay nga eh. Ah basta, di ko kayang iexplain!
“Si Mam Julie Dela Vega po. Maawa po kayo, may pamilya po kami. Napag-utusan lang po.”Takot na takot na sabi ng isa.
Julie Dela Vega? Sino yon? Kilala ko ba yun? May atraso ba ko dun? O.o?
Tapos pinaalis nya ung mga kidnappers na un. Phew... kinabahan ako dun ah.
Pero bigla nalang hinawakan ako sa balikat ni Alex at hinarap sa kanya at ung mata nya, may halong pag-aalala.
“Okay ka lang?”-tanong nya
Pesteng puso ka. Ba’t abnormal na naman ang takbo mo ha?! Anong problema?
“O-O-Okay lang ako.”Yan nalang nasabi ko. Ba’t ba ko nauutal?!
Tapos bigla syang nainis. Anong problema nito at ang moody? =___=
“Kasi naman ba’t ba ang lampa lampa mo lagi ha?! Lagi ka nalang napapasali sa gulo!”Sabi nya
+__+ Thank you ha! Ako pa sinisi ngayon na muntikan pa kong kidnapin. Eh kung sya kaya ipakidnap ko sa mga lalaki na un?!
“At ba’t naman ako ang sinisi mo? Ako na nga ang muntikan kidnapin sakin ka pa nagalit! Bwisit naman oh! Alam mo ung magpapathank you sana ako kasi niligtas mo ko pero bigla bigla mo na naman akong sinusungitan. Peste!”
Lalo naman syang nainis. “AISHHH! Maghintay ka dyan at wag kang aalis!”
Bigla naman syang umalis. Problema nun sa utak?!
At bakit ba ko sumunod at hinihintay sya? +___+ Ang bopols ko din noh?
Nakakainis!
Bumalik sya at nakita kong nagpalit na sya ng damit.
“Tara.”-sabi nya
“Huh? Saan?”Pinagsasabi nito? May pupuntahan ba kame? Wala ata akong maalala.
“Ihahatid na kita sa inyo.”
.
.
.
.
.
.
.
.
Hanudaw? Nabingi ata ako. Sya? Ihahatid ako? Sa bahay namin? SERYOSO?
“Wag na. Di na kailangan.”Sabi ko. At bakit naman nya kasi ako kailangan ihatid eh? Nagpapahatid ba ko?! Di naman eh!
“Sa ayaw at sa ayaw mo, ako ang masusunod. Ihahatid kita sa inyo simula ngayong araw na toh at wala ka ng magagawa tungkol dun!”Sabi nya tapos nilabas nya ung phone nya at biglang may nag-appear ng kotse sa harap namin.
Ano na naman toh? Second set ng kidnappers?!
May nagbukas ng back seat ng kotse at pumasok si Alex. Huh?
“Sasakay ka o hindi?”-sya
Sabi ko nga sasakay. Pssshhh...sunget. >__<
BINABASA MO ANG
A Love Tale(Completed)
RomanceCompleted || Longing for his lost saviour, magugulantang ang tahimik na mundo ni Airi ng makilala nya ang prodigy na si Alex. Tahimik, gwapo, matalino pero walang kapaki-pakialam sa mundo. Kakayanin kaya ng pasensya ni Airi na baguhin ang napaka-ar...