MY GROWN UP CHILDHOOD LOVE IS DELETED AND REPLACED BY "A LOVE TALE".
CANDY: No softcopies of this story maybe distributed and reproduced without any consent or permission from the author(me). Exclusively available on wattpad.
© All Rights Reserved 2013
A LOVE TALE - novel by candy_heart18
PROLOGUE
[Watch the story trailer on the right--->>>]
[A/N: Some dialogues will be italicized. Ibigsabihin nun, naka-japanese dapat ung salita nila. Actually, dapat talaga ijajapanese ko ung sentences pero hassle at alam ko naman di niyo din babasahin. Well, some Japanese terms and sentences was taught to me by my two Japanese bestfriends so the credits go to them. Anyways, let’s proceed to the story.]
“Airi, anu ba yan! Ikaw na naman ang late as usual. Aalis na ngang lahat lahat bukas pabalik ng Pilipinas at last day na nating maghahang-out eh, late pa rin.”Panenermon sakin ni Ayumi.
“Gome, Gome.(Sorry). Si Daddy kasi pina-impake na ko kanina. Medyo natagalan ako kasi ang hirap ipagkasya sa maleta nung ibang damit ko. Di ko naman alam na medyo marami pala akong damit. Hehe.”
“Anyways, dahil nandito ka na, tara na sa Seiju Mall! Mamimili tayo ng kung ano ano ngayon at treat mo!”Kumapit sa braso ko si Haruka at hinila ako. Nakasunod naman sa likod naming si Ayumi at Mei.
“STOP!STOOOOPPPPP!!!chotto matte, nande watashi? Wow ha, parang ang dala ko ngayon ay hundred thousand yen? Maawa ka, 40 000 yen lang dala ko, eh kilala ko kayong tatlo eh! Halos gawin niyo ng third home tong mall dahil tuwing uwian nalang dito diretso niyo. Kulang nalang bilhin niyo tong mall at gawing bahay eh tapos magpapalibre kayo sakin ng ipamimili niyo?! Hala! Di kaya pagbalik ko sa Pilipinas eh pulubi na ko nyan?”
“Hindi yan malaking problema Airi.”Sabi ni Mei na parang may hinahanap sa bag niya habang naglalakad.
“Oo, hindi talaga malaking problema, malaking malaki lang.Geez.”
“Ayun! Airi, oh.”Inabot sakin ni Mei cellphone niya.
“Gagawin ko diyan?”Sabay turo dun sa cellphone niya. “Meron naman akong cellphone eh, na kay Mama nga lang kasi ipapa-open ko ung number. Kaya anung gagawin ko sa cellphone mo?”
“Hindi un ang point ko! Tumawag ka!”Sabi niya sakin.
O_o? “Ha? Di ko gets. Tatawag ako? Kanino?”
“Kay Hiroto!”sabay sabay na sabi ng tatlo. Anu toh nagpractice? XD
“EHHH??? Bakit naman? Ba’t ko naman tatawagan ung honor maniac na yon?”
“Hiramin mo atm o credit card niya!”Sabi ni Ayumi.
=____= “Anung akala niyo kay Hiroto, walking money bank? At bakit ako ang tatawag sa kanya? Kayo may kailangan diba? Edi kayo tumawag!”
“Kapag ikaw ang nagrequest panigurado papayag agad yun kaya dali na!”Tapos nilagay niya sa kamay ko ung cellphone ni Mei.
“A-Y-O-K-O! Inuuto niyo na ko eh! Diyan na nga kayo! Nakakainis naman eh! Aalis na nga ako’t lahat lahat tapos giniginyan niyo pa ko.”
“AIRIIIIII!!!!”dinig kong sabi nilang tatlo habang naglalakad ako papalayo.
I’m Sakura Airi! Fifteen years old, isang third year junior/middle school student dito sa Kanagawa Prefecture as Japan. I’ve been studying here for almost 8 years at this school year, I’ll be studying in the Philippines.
Actually, I’m a pure Filipino at sa Pilipinas talaga ako pinanganak pero after magkahiwalay ng biological parents ko, si mama ang kumupkop sakin. Meron pa kong isang kapatid na lalaki, mas matanda nga lang siya sakin at siya ang napunta kay Papa.
Sinama naman ako ni Mama dito sa Japan kasi dito siya nagtatrabaho at dito rin siya nakapag-asawa ulit. So may stepdad ako at mabait naman siya sakin though minsan nga lang, nagkakaroon pa rin ng misunderstanding. Nagkaroon sila ng anak na ngayong ay 4 years old, si Sakura Megumi.
Sakura ang apelyido ng napangasawa ni Mama kaya un ang ginagamit ko dito sa Japan pero sa Pilipinas, full name ang ginagamit ko at ung surname nung biological father ko.
Airi Janelle Montez.
8 years ago na nung huli akong nakabisita sa Pilipinas. At sabi din ni Mama na okay lang naman daw kung magstastay muna ako sa Pilipinas for awhile o kaya dun muna mag-aral at okay lang naman sakin un.
Titira muna ako sa family ni Papa at Kuya dun. Kaya ngayon, I’ve been hanging out a lot with my best friends na sina: Kiriko Mei, Takeshi Ayumi, Suzuki Haruka.
At ung pinag-uusapan naming kanina na si Hiroto? Koizumi Hiroto. He’s my rival. Ay mali pala, Rival niya pala ako. Ewan! Di naman kasi ako nakikipag-compete sa kanya eh. Siya lang nag-iisip nun.
Lagi niya kong kinakalaban sa Top so madalas papalit palit kami, Minsan siya ung Top 1, minsan naman ako. Di ko naman masyadong iniisip un. Pero madalas nagtutulungan din kami in some things, and we’re not actually full rivals since para sakin, friends kami in some way. Ibang klase na friendship nga lang, kumbaga parang ung kina Takishima Kei at Hanazono Hikari? Ung ganun.
At katulad din ni Kei, galing siya sa mayaman na pamilya. As in SOBRANG YAMAN nila. Andami kaya nilang private planes! Tapos marami silang lupa at resthouses sa iba’t ibang sulok ng mundo.
Kami? Di naman sobrang yaman, ung tama lang un yaman. My stepdad kasi is the CEO ng Sakura Group. Meron din kaming lupa at resthouses sa ibang bansa pero di ganun karami. At di rin ganun karami ung private plane.
“Airi! Ano?! Tutulala ka nalang ba diyan? Kahit naka-private plane ka pa eh baka maiwan ka ng eroplano anak! Jusko, ano bang iniisip mo?”Panenermon sakin ni Mama.
“Sorry po!” ^___^V
Lumapit sakin si Daddy/Stepdad na buhat buhat si Megumi.
“Ki kyo tsukete ne?”Sabi ni Daddy pagkatapos niya kong halikan sa noo.
“Hai, Kayo rin po wag masyadong magpakatutok sa trabaho. Ikaw naman Megumi!”Kinuha ko si Megumi at binuhat.
“Nee-chan!~ Mamimiss kita!!! Wala na kong makakalaro sa bahay.”Sabi ni Megumi.
“Eto talaga.”I pinched her cheeks. “Makikita mo pa naman si ate eh, bibisitahin ko naman din kayo paminsan minsan. O kaya bisitahin niyo din ako sa Pilipinas. Di ba? Ikaw!! Mamimiss kita ng sobra sobra!! Mamimiss ko ang lil sis ko ng sobraaaa!”Kiniss ko siya sa cheeks at niyakap niya ko.
Aww.... I’m gonna miss my family so much.
“Anak, sige, kailangan mo na umalis.”Bumeso ako kay mama. “Mag-ingat ka ha? Pasabi sa kuya mo miss ko na siya. Tumawag ka anak ha, wag mong kakalimutan ha?”
“Yes Ma, Bye po.”Bumeso din ako kay Daddy at Megumi. Hinila ko na ung maleta ko at nagsimula ng maglakad papalayo.
“Bye Ma! Bye Daddy!! Bye Megumi!”Nagwave ako sa kanila at nagwave back naman sila. Si Mama naman nakita kong naglabas ng panyo at mukhang umiyak na. Ganun din si Megumi kasi nagwawala na siya eh, hinahampas hampas niya si Daddy.
Nakaramdam tuloy ako ng lungkot. Matagal tagal ko din silang di makikita at makakasama.
Nung nakaakyat na ko sa loob ng private plane na kinuha ni Daddy, may kinuha ako sa loob ng bag ko.
Isang seashell siya na color puti na medyo maliit pero may hugis heart siya. I smiled.
I remembered him again.
Will I be able to see you again huh? I hope so. I really hope.
BINABASA MO ANG
A Love Tale(Completed)
RomanceCompleted || Longing for his lost saviour, magugulantang ang tahimik na mundo ni Airi ng makilala nya ang prodigy na si Alex. Tahimik, gwapo, matalino pero walang kapaki-pakialam sa mundo. Kakayanin kaya ng pasensya ni Airi na baguhin ang napaka-ar...