Chapter 3.2

1.5K 37 2
                                    

CHAPTER 03.2

[AIRI’S POINT OF VIEW]

Nakarating kami sa canteen at naghanap ng table. May nakita kami dun sa may sulok kaya dun kami naupo. Pero syempre, take turns kami, naunang mauna munang pumila sina Steffany at Arika kaya kaming dalawa ni Canada naupo muna dun sa table.

“I wish they had roasted beef today! I’m craving for it somehow.”Sabi ni Canada. Di ba siya magtatagalog?

“Um... nagtatagalog ka ba? Ba’t parang English ka lang ng English?”Tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sakin.

“Sige na nga, ayoko na rin mag-english eh. Lumaki kasi talaga ako sa Canada kaya ayan ang name ko, Canada. Hehe, at 9 years ako tumira dun bago nagmigrate dito sa Pilipinas.”

“At syempre, marunong din ako magtagalog. Pero mas fluent pa rin ako sa English kaya di maiwasan na madalas mapa-english ako.”Sabi ni Canada. Aaaahhh.... kaya pala.

“Eh ung sa tinatanong niyo kanina, ung binanggit ni Steffany na Alex? Sino ba un?”

Bigla nalang may naglapag ng tray dun sa tabi ko tapos paglingon ko sina Steffany at Arika pala.

“Alexander Skye Lee. Oh, by the way, para di ka mahirapan, just call me Steff. Para di masyadong mahaba.”Sabi ni Steffany i mean Steff.

“Alexander Skye Lee?”Ba’t ganun parang familiar ung Lee? Teka...

“Un ung pangalan nung katabi mo. His name is Alexander Skye Lee.”Sabi ni Arika.

“Ehhhh????? Then... you mean, kanina, siya pala ung tinatanong niyo kung paano ko nakilala?”

“Bingo.”Sabi ni Canada.

“Hala mag-order nga muna kayo ng pagkain dun tapos mag-uusap tayo pagbalik niyo.”Sabi ni Steff. Tumayo naman kami ni Canada at pumila na.

Gaya ng winish ni Canada, may roasted beef nga na sineserve ngayon at un ang inorder niya. Ako naman nag-order ng carbonara. Bumalik na kami dun sa may table at nag-usap.

“So... tell us, make kwento naman kung paano kayo nagkakilala ni Alex.”Sabi ni Steff after niyang kumagat sa hotdog sandwich niya.

“Di naman kami magkakilala eh. Tawagin nalang natin, dalawang beses lang kami nagkita before.”

“Where? When? How? Come on, spill it! Grabe, nakaka-excite.”Sabi ni Canada.

“Ba’t ba parang intrigang intriga kayo about kay Alex?”Lumapit ako sa kanila. “Umamin nga kayo, may gusto kayo dun noh? Nako wag kayong magkagusto dun, eh ang sama ng ugali nun.”Sumubo ako ng carbonara.

Narinig ko naman na tumawa sila ng mahina, ung tipong kami kami lang ang nakakarinig.

“May sinabi na naman ba kong nakakatawa? The last time I checked, hindi ako joker or clown.” =___=

“Wala! Ang weird mo lang kasi. Hahahaha.”Sabi ni Canada.

“Weird?”

“Yep, ikaw lang talaga ang kilala o baka nga ang nag-iisang estudyante na kayang sabihan ng masama si Alex.”

“Bakit? Sino ba yang Alex na yan at parang di kayo makapaniwala sa mga sinasabi ko?”

“Okay... let us introduce him to you.”Nilabas niya ung isang ipad dun sa bag niya. Teka... may dala siyang bag?! Ba’t di ko napansin??? O.o?

Pinakita niya sakin ung ipad niya at nakita ko ang picture dun ni Mr. Yabang at ibang infos sa kanya.

Name: Alexander Skye Valerio Lee

Gender: Male             

Birthday: December 23,1997

Other facts:

   He’s a professional performer and an instrumentalist. He could play all kinds of instruments. At the age of ten, he was invited to study in Harvard. He aced the International World Exams in 2010 until present. He could also play soccer, basketball, baseball, tennis, and badminton. His intelligence and talent was recognized by many countries.

Tapos ang haba haba pa nun pero tinamad na ko mag-scroll down. Teka, saan ba nila nakuha tong information na toh? Tiningnan ko ung link.

Nanlaki mata ko. Sana pala di ko nalang inalam. O__O

W-WIKIPEDIA?!?!!??!

Seriously?!? N-Nasa Wikipedia siya?? Ibigsabihin.... sikat siya? Ba’t di ko yata alam? O__O

“Ngayon alam mo na kung bakit?”Sabi ni Canada. Tumango nalang ako. Grabe.... feeling ko luluwa mata ko sa nabasa ko. Paanong nangyari un? Sa sama ng ugali niyang un, sikat siya?!?!?!

“Drop-dead gorgeous, hot, handsome, talented, intelligent, ahhh... to sum it all up girl, he’s every girl’s dream guy.”Sabi ni Steff na parang nasa cloud nine.

You’ve gotta be kidding me!!

“every girl’s dream guy daw eh un nga ang pinakamumuhian kong lalaki sa lahat lahat! Paanong sumikat yang lalaking yan eh ang yabang yabang niya! Siya na ata ang pinakahari ng kayabangan na nakilala ko eh! Alam mo bang ang sarap nyang upakan ng isang milyong beses nung una at pangalawa beses ko yang nakita?!” >.<

“Da how ba kayo nagmeet girl?”Ask naman ni Canada. At un nga, kinwento ko ung nangyari na robbery incident tapos ung nakalimutan kong magpa-money change.

Tawa nga sila ng tawa nung sinabi kong nakalimutan kong magpalit ng pera eh.

Sige na, kayo na natawa. Ako naman nainis dahil dun. Kung hindi dahil nakalimutan kong magpapalit, edi sana di ko makakasalamuha ung mayabang na yun.

“Pero infairness girl! Idolo ka ngayon ng mga kaklase natin dahil sa kanina!”Sabi ni Arika.

“Ha?”Idolo? Sino? Ako? Bakit?

“Alam mo bang ikaw ang kauna-unahang classmate na kinausap niya!”Sabi ni Steff.

“You’re wrong, Steff. She’s the first student dito sa school na kinausap niya na hindi cold ang aura niya!”Sabi ni Canada.

“At first time lang naming siyang nakitang ngumiti ever! At dahil sayo un! Naku, nadadama ko na ang nalalapit na pagbabago ni Alex!”

Ngumiti? Si Alex? Ngumiti?

“Ha? Di naman ngiti ung ginawa nya kanina eh, smirk un eh.”

“Imposible un girl! Sa tagal tagal namin na kaklase simula first year high yang si Alex, ngayon lang namin siya nakangiti.”

“Hay nako, baka di niyo lang nakikita. O kaya nasa CR lang kayo nung mga time na di niyo nakita na nakangiti ung mayabang na un.”

“Airi, ni-isang tao dito sa school, di pa siya nakitang ngumiti. Kahit nga na anung gawin eh di mo yan mapangiti pero ikaw, di pa nagsasalita napangiti mo na siya.”

“Grabe girl! Feeling ko dumating na ang magpapalambot sa puso ni Alex!”

“Agree! Nako Airi, may tama siguro un sayo. Nakikita ko na ang future mo Airi! Magiging Airi Janelle Montez-Lee ka na!!!”

“Tama? Oo, may tama un sakin, tatamaan talaga ako sa kanya kapag nakinig ako sa inyo! Kinikilabutan ako sa mga pinagsasabi niyo! Airi Janelle Montez-Lee ka diyan! Never ko pinangarap na pakasalan ang mayabang nay un! Kayo na lang kung gusto niyo! Diyan na nga kayo, magpapahangin lang ako sa rooftop.”

Bago ako tumayo, nagkatinginan ulit ung tatlo at ngumiti.

“Ohkieeee!!! See you sa class!! And goodluck!”

Haaaaaaaa?????? Goodluck?????? Para saan? Eh magpapahangin lang ako eh?

Ay bahala na nga. Basta umakyat nalang ako sa rooftop. May nakita akong papel dun sa may pintuan pero di ko nalang pinansin. Di naman siguro importante un.

Umupo ako dun sa may railings. Nakahawak ako ng mabuti para di ako malaglag, 5th floor din ito noh. Mamatay ako kung sakaling mahulog ako dito.

Fresh air... grabeeee!!! Namiss ko talaga ang Pilipinas!!

“What are you doing here?”

A Love Tale(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon