Diary 6 - Moving Forward.

113 6 1
                                    


Kinabukasan...

"Goodluck Nana."-Iya. Isa sa mga classmate namin.

"Oo nga Nana. Tandaan mo ikaw ang pambato ng section natin."-Anthon. Classmate din namin.

"Oo."-ako habang inaayos ko yung DSLR ko.

"Ano ba kayo? Wag niyo ngang pinepressure ang bestfriend ko!"-Nadine at tumabi sakin.

"Baliw ka kamo Nads."-ako

"Eh kasi naman. Para namang sasali ka sa contest. Eh sasali ka lang naman sa campus journ. Para namang may connect to sa section natin."-Nadine.

"Oo kaya."-ako

"Ano? Kapag naging photographer ka dito at nalagay sa school paper yung nakuha mong picture may connect din sa kanila? Hello? Sila ba ang nagpicture?!"-Nadine at may pahawak-hawak effect ba sa ulo niya.

"Ano ka ba Nads? Bitter ka kamo? Hayaan mo nga sila. Chinicheer nga nila ko eh."-ako.

"Huh... plastic."-mahinang sabi niya.

Baliw talaga tong si Nadine.

"Ano bang oras kayo pupunta dun?"-Nadine.

"Tignan mo. Anong klase kang kaibigan Nads? Kasasabi ko lang kaya sayo kaninang pagkapasok ko nung tinanong mo ko."-ako

"Sorry na nakalimutan lang."-Nadine.

"10:30. Thirty minutes na lang pupunta na ko dun."-ako.

"Talaga. Practice ka nga. Kuhanan mo yung vase dun sa may teacher's table."-Nadine at hinila ako papuntang unahan. Napatingin naman ako sa mg classmate ko na nakatingin samin ni Nadine.

Kasi tong babaeng to, walang hiya talaga eh.

Tumango naman sila sakin at parang sinasabi na 'sige magpraktis ka lang, wag mo kaming pansinin.' Yung tipong mga ganun.

Ang babait kaya ng mga classmate namin, ewan ko ba dito kay Nadine. Ang bitter.

Kumuha naman ako ng isang shot. At isa pa. Tapos isa pa ulit. Iba't-ibang anggulo. Hindi ko alam kung tama na ba to. Para sakin kasi maganda na to.

"Patingin nga."-Nadine at inagaw sakin ang DSLR ko at tinignan ang mga kuha ko.

"Wow. Da best ka talaga Nana!! Bakit ang ganda ng kuha mo. Parang nagpapictorial yung vase!"-Nadine.

"Wag ka nga. Akin na nga yan. Maganda yan dahil maganda yung lens nung camera, hindi dahil ako ang nagkuha."-ako at inagaw ko yung DSLR ko.

"Pwede bang patingin kami ng kinuha mo Nana?"-Sean. Isa din sa mga classmate ko.

"Ahh...sige."-ako hinarap ko sa kanila yung screen nung camera at naglapitan naman sila para makita yun.

"Wow. Ang ganda nga."

"Oo nga. Para kang professional Nana."

"Pano ka nakakakuha ng ganyan kalinaw?"

"Tapos para talaga siyang pang magazine eh."

"Pwede nang front cover ng magazine yan."

"Hep!!!!!!!!! Mga plastic kamo kayo!!!"-Nadine.

Agad naman umupo sa kanya-kanyang upuan yung mga classmate namin at umupo na rin kami ni Nadine.

"Problema mo Nadine?!!! Ang init ng ulo ha!"-Iya.

The Writer's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon