Special Chapter: Ainsleigh

10 0 0
                                    


Ainsleigh

Saktong tinawag ako nila Papa para kumain. So ngayon na ata ang right time para sabihin ko sa kanila.

Naupo na nga ako sa hapag kaninan para sumabay sa kanila.

Tahimik kang kaming kumakain.

Sasabihin ko na ba sa kanila?

Inilibas ko na ang Notebook at nagsimula magsulat.

"Ma, Pa kelan ba tayo titira sa Guam? Sayang naman kasi yung inapplyan kung Trabaho kung ngayong buwan tayo aalis. Di ko na iintayin yung call nun." Pagtatanong ni Ate.

Nagulat naman ako sa tanong ni Ate. Ngayong buwan?

Agad ko tuloy binura yung nauna ko nang naisulat at saka nagsulat ng panibago.

"Ma aalis na tayo dito ngayong buwan?" Yan ang nakasulat sa papel.

Agad naman silang nagtaka at nagtinginan.

"Ano bang trip mo?" tanong ni Kuya. Inirapan ko na lang ito.

Niyugyog ko pa ang papel at itinuro ang nakasulat dito para sagutin nila ang tinatanong ko.

"Magsalita ka kaya." Sabi ni Ate.

Napaface palm na lang ako. Ba't di na lang nila sagutin di ba?

Nagsulat ulit ako.

"Puwede bang sagutin niyo na lang tanong ko?"

Tinignan ako ng masama ni Ate. "'Nu bang problema mo?"

"Leigh. Itigil mo na yan. Kapag may sasabihin ka magsalita ka." Bilin ni Mama sakin.

Haay.

Eto na nga.

Nagsulat ulit ako.

"Ma, Pa. Nawala ang boses ko."

Pagkabasa nila nun ay nanlaki ang mata nila.

Nagsulat ulit ako.

"Puwede bang sagutin niyo na lang yung tanong ko? Please?"

Naspeech less naman sika at nagkatinginan na lang ulit. Hindi alam kung nahbibiro ba ako o hindi.

Ahh. Ang hirap naman.

--

The Writer's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon