Diary 4 - Uncomfortably...

156 6 4
                                    


Nasa labas na ko ng bahay. Nakaupo lang ulit ako sa may bench sa tapat ng bahay namin. Medyo madilim pa ngayon dahil maaga pa nga. Nakatingin lang ako sa kawalan. In short tulala. Nag-iisip ako ngayon sa pwede kong idagdag sa story ko.

Kaso, may napansin ako. Ayan na naman ang mga peste na to. Bakit ang aga naman ata nila magising. Ang aga-aga mambibwiset na naman tong mga to.

"Huy Ainsleigh! Goodmorning!"

Ayan na nga sila. Tropa sila ng mga lalaki. Lagi nila kong napapansin, wala ba silang mapagtripan na iba. Lagi na lang sila nadaan dito at napapansin ako. Ni hindi ko nga sila kilala eh.

Pero sa pagkakaalam ko eh tropa to nung nanliligaw sakin ngayon. Hindi ko sila pinansin at inayos ko na lang ang salamin ko at tumingin ako sa ibang direksyon.

"Ay. Ganyanan? Mamansin ka naman Ainsleigh."-sabi nung isa.

"Oo nga. Tsaka minsan sumama ka naman samin. Sayang ang ganda kung ibuburo lang sa loob ng bahay."-sabi naman nung isa.

Anlalim mo naman magtagalog kuya. Tsaka bakit ba kasi ang baba ng bakod namin. Hanggang bewang lang. Kitang kita ko tuloy tong mga to. Dapat talaga ibahin na tong bakuran namin eh, gawin na ring bato yang bakod.

Ang kuripot kasi nung may-ari ng bahay eh. Hindi samin tong bahay, nirerentahan lang namin to.

Hindi ko pa rin sila pinansin at kunwari ay wala kong naririnig.

"Pare mukhang walang tao sa kanila."-ring kong sabi nung isa. Napatingin na ko sa kanila.

"Bakit di ka na lang sumama samin?"-sabi naman nung isa na matangkad.

Hindi ba nila napapansin na ayaw ko silang kausap. Nakakainis naman eh. Hindi ko pa rin sila pinansin. Mapapagod din ang mga yan.

"Kung ayaw mong sumama samin. Edi kami na lang ang sasama sayo."-sabi nung isa at akmang bubuksan pa ang mini-gate namin.

Dahil dun sa ginawa niya, nagmadali na kong pumasok sa loob. Nasalubong ko naman si Papa.

"Oh? Ang aga mo nagising ha. Oh bakit ka nagmamadali?"-Papa.

Haay naku.

"Pa. Nandyan na naman sila. Paalisin mo nga ulit."-ako

Bigla naman kumunot yung noo ni Papa. Nakahinga na ko ng maluwag. Buti na lang nandyan si Papa. Okay na sakin kahit kainin niya ulit ang ulam ko mamaya, basta paalisin niya lang ulit yung mga yun.

Lumabas na si Papa. Pumasok naman ako sa loob ng kwarto namin ni Ate. Narinig ko na sumisigaw na si Papa kaya sumilip ako sa bintana. Nakita ko naman na nagsitakbuhan yung mga lalaki.

Hindi pa rin nawawala ang inis ko. Bakit ba kasi dito kami tumira eh. Andaming nambubwiset. Gusto ko na talagang lumipat na kami.

Kinuha ko na lang yung sketchpad ko at kumuha ng lapis since wala ngang ballpen. Ipagpapatuloy ko na lang ulit yung story ko. Sisiguraduhin kong mas maganda ang buhay ng mga character ko kesa sakin.

Nandito ako ngayon sa flower shop ng Lola ko. Dito ako madalas pumupunta kapag walang pasok at tinutulungan ko ang Lola ko sa pagtitinda, pag-aarrange at pagdedecorate ng mga flower, basket at bouquet na lalagyan ng mga flowers.

Ang sarap lang magpunta dito araw-araw. Maaliwalas kasi at mahangin. Masarap sa mata yung kulay ng shop ni Lola. White ang halos makikita mo sa loob, at nagbeblend din ang kulay ng mga flowers sa mga gamit. Maliwanag din dito.

The Writer's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon