Diary 28 - 05 20 AM

5 0 0
                                    

Someone's Diary

Second Monthsary na namin. At natatawa ako kay Luke kanina. Kumain kasi kami sa isang Korean Restaurant at hindi niya alam na maanghang pala yung kinakain niya.

Umorder kasi kami ng dukkbeokki, bibimbap , sikye para sa inumin at patbingsoo para sa dessert. Kinain namin yung dukkbeokki ng tahimik. Ewan ko ba pero naging tahimik kami nun kasi kain lang kami ng kain.

After nun ay sinunod namin kainin ang bibimbap. Friend Rice siya na Korean Style. Magkaiba kami ng inorder na flavor. Hindi nga namin alam yung ibig sabihin nun kasi nakaromanized nga siya sa menu pero hindi naman english.

So basta lang kami pumili at yun ang kinain namin. Pero hindi niya naman alam na sobrang maanghang pala yung napunta sa kanya. Yung akala mo binuhusan ng sili. Kaya habang kumakain kami ay napapansin ko na namumula ang tainga niya at inom siya ng inom ng tubig. Tinanong ko kung anong problema pero ngumiti lang siya sakin at sinabing huwag na lang daw siyang pansinin at kumain na lang daw ako. Nagkaroon naman ako ng idea kung bakit siya ganun kaya tinikman ko yung kinakain niya. At hopya na sinawsaw sa patis at dugo ng baka naman oh! Sobrang anghang! Mahilig ako sa maanghang pero hindi sa ganito kaanghang.

Nakaisang subo pa lang ako 'nun pero sobrang anghang na. Paano pa kaya siya na halos maubos niya na nga yung kinakain niya. Tinawanan ko siya nun at ganun din siya. Hindi naman kasi kailangan itago sakin na sobrang maanghang yung kinakain niya. Pati puwede niya naman sabihin kung hindi niya kayang kainin or magreklamo siya di ba? Kasi naman sobrang anghang, pero pinilit niya.

Pero yun din yung nagustuhan ko kay Luke. Magpaparaya na lang siya huwag lang masira yung atmosphere.

Haaay..Luke. Bakit ba nakaka-aatract ka?


--05 20 AM
--May 20, Aubreanna Mardalla (NANA)

The Writer's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon