Diary 17 - 07 08 AM

19 0 0
                                    

Someone's Diary

Naiinis ako ngayon. Hindi talaga ako mahilig sa mga lovestory kaya bakit niya ba ako pinipilit ng pinipilit na basahin 'tong librong 'to.

Ang mga gusto kong basahin at panuorin ay mga mystery, adventure, magical, horror at comedy. Kaya naiinis ako kapag may side story ang mga binabasa ko na tungkol sa love eh. Puwede pa sana kapag love na tungkol sa family, pero kapag love talaga na girlfriend-boyfriend... naku. Pass ako dyan.

Pero naiinis talaga ako sa sarili ko dahil ngayong araw na 'to, kinuha ko yung libro na pinapabasa niya sakin. Ewan ko ba dahil bigla akong nagcrave na basahin yung libro kahit tungkol naman 'yun sa love. Juskoo ano bang nangyayari sakin? Hindi naman ako ganito dati.

Panigurado na kapag nalaman niyang nasa akin yung libro niya, aasarin niya ko na nagdadalaga na ko. Eh dalaga na naman talaga ko. At ako ang magpapatunay na hindi mo kailangan ng lovelife para maging isang ganap ka ng dalaga. Eh hello, 15 na ako ano!

So eto, nagbabasa tuloy ako ng patago dito sa kwarto ko. Alam kong hahanapin niya 'tong librong 'to, pero sorry.. pahiram muna ko.

Eleanor & Park by Rainbow Rowells

Maganda naman kaya 'to? Mukha naman kasi hindi nga siya magiging libro kung hindi naman maganda di ba? Haay wag lang talaga akong pahuhuli sa kanya na nasakin ang libro niya.

-- 07 08 A.M.

The Writer's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon