Diary 26 - 03 20 AM

8 0 0
                                    

Someone's Diary

Sa lahat ng pinakamasayang araw na sinulat ko sa diary na 'to, ito talaga ang pinaka-super-saya kong araw. Sinagot ko na kasi siya kanina! At bukod pa dun, Birthday niya rin ngayon. Gusto kong maging memorable ang birthday niya. Ganun ko siya kamahal. At simula sa araw na ito, wala nang words na cheesy! Wala na 'yan sa bokabularyo ko! Totoo nga ang sabi nila, kapag inlove, wala na daw pakialam sa word na yan. Well, napatunayan ko naman yan.

Mahigit tatlong buwan na rin siyang nanligaw sakin at nakita ko naman na sincere siya. Walang araw na hindi ako naging masaya kapag kasama ko siya.

Hindi naman ganun ka-extravaggant ang pagsagot ko sa kanya. Gusto ko kasi yung wala siyang idea na sasagutin ko siya ngayong araw na 'to.

So yun, nagpunta lang ako sa bahay nila at ipinagluto ako ni Tita Rain, yung mama niya ng baked mac at salad, at dahil birthday niya, syempre may cake at kinantahan namin siya. Tapos nun nag-movie marathon kami sa bahay lang nila, yung horror. Tapos hinamon niya ko sa video games, at ang matalo daw ay may consequences. Syempre game ako dun.

So nung naglaro kami ay natalo ako. Inasar niya pa nga ako nun eh. So ang nangyari ay tinanong niya na lang ako. At ang tanong to be spcific ay... "Hindi naman sa pinagmamadali kita. Pero, may feelings ka na ba para sakin kahit konti?". At yan ang tanong. Sobrang nakakakaba mga kapatid! Para bang saging na tinalupan gamit ang tuka ng ostrich naman oh! Syempre nakaka-awkward din. Pero inamin ko naman sa kanya na oo, hindi pa nga ako makatingin sa kanya eh. Tinanong niya pa ko ng paulit-ulit kung totoo ba? At ang nasabi ko tuloy...."Oo nga sabi. Sinasagot na nga kita ngayon eh! Kulet!". 'Yan, 'yan ang nasabi ko. Like kutsarang sinawsaw sa arinola naman oh. Nadulas ang leche.

Kinonfirm niya naman kung seryoso ba ako. At sinabi ko naman ng malinaw na "Oo. Sinsagot na kita.". Tapos. Period. Simple lang ang nangyari at naging kami na.

Agad niya nga akong niyakap at binuhat sa sobrang saya niya. Nakakagulat, oo, pero more on...

Nakakakilig.

--03 20 AM (A Special Day)

The Writer's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon