Diary 12 - Forgotten.

33 1 0
                                    

AINSLEIGH

Nandito na nga ako ngayon kina Kelly. Naabutan ko sila dito kanina na naghahampasan ng mama niya. Akala ko nga binubugbog na ni Tita si Kelly. Yun pala, nagbibiruan lang sila.

Aaminin ko na nakaramdam ako ng inggit.

Kahit kasi laging napapagalitan tong si Kelly at laging lumalayas, sobrang close pa rin sila ng mama niya.

"Kelly nak?! Ano ba?! Nakikinig ka ba?"

"Oo nga Ma! Ano ba?! Oh game pagpatuloy mo na yung chismis mo samin!"

"Oh bale yun nga..."

Hindi ko mapigilan na mapangiti sa kanila. Boses pa lang at tono nila ng pananalita natutuwa na ko. Para kasing kapag nakikita mo sila na ganito eh parang never pa silang nag-away. Pero ang totoo, lagi silang nagkakatampuhan.

"Alam mo yung kumare ko? Si Belma? Yung anak nun! Nakabuntis!" kuwento ni Tita.

"Si Kiko? Di ba nanligaw sayo yun Leigh?" tanong sakin ni Kelly.

"Ha??" Napatingin ako bigla kay Kelly.

"Di ba?" Tanong niya pa.

"A-Ahhh oo." Kahit kailan talaga tong si Kelly oh! Ilaglag ba daw ako. Pasalamat siya nandito si Tita.

"Buti na lang pala binasted mo Leigh. Ganun pala yung batang yun. Kaya kayo mag-iingat. Mga kabataan ngayon. Tsk. Tsk." Sabi ni Tita.

"Oo na ma! Alis ka na nga dito. Kami muna." Sabi ni Kelly at tinulak niya bahagya si tita para tumayo sa kama nito.

"Ganyan? Matapos makarinig ng chismis. Tabuyan na lang?" Sabi ni tita.

"Hindi. Ang sinsabi ko lang baka kasi may sinaing ka dun. O kaya yung ulam...."

"Kuuuhh!!! Ewaaan!"

"o kaya yung labahin mo baka may nilalabhan ka pala."

"Bahala ka nga dyan." Dagdag pa ni tita at lumabas na nga ng Kwarto.

"Loka talaga yung nanay ko na yun noh?" Bulomg ni Kelly.

Nagulat naman kami ng biglang bumukas ang pinto at sumilip dito si Tita.

"Huwag kang hihingi sakin ng tanghalian!" ani Tita saka sinara ulit ang pinto.

"Edi wag! Diet kaya kami! Haha!" sigaw ni Kelly sa may pinto ng kwarto niya. "Akaka niya ha! Tsaka busog pa ko noh! Tss." sabi niya at saka dumapa sa kanyang kama at humarap sa laptop nito.

"Sira ka talaga! Magugutom ka rin." sabi ko saka siya napalingon sakin pero inirapan niya lang ako.

"I don"t care!" Pagmamatigas niya.

Tumayo ako.

"Oh edi sige. Nagugutom na ko. Hihingi ako pagkain. Tita!..." sabi ko.

"Uy ano ba! Boktir ka!" pagpigil niya sakin. "Ipagpatuloy mo na nga lang yung sinasabi mo kanina. Bakit sila nagalit sa story mo? At anong nangyari kanina?" pag-iiba ni Kelly ng usapan.

Napasimangot naman ako sa sinabi niya at naupo na lang ulit sa kama niya. Naalala ko na naman yung nangyari na yun.

"Yun ang hindi ko alam. Ewan ko ba sa mga yun." Sabi ko.

"Eh baka naman ayaw nila na nagsusulat ka ng story!" dahilan pa ni Kelly.

"Imposible. Napansin na ko noon ni mama na nagsusulat. Edi sana noon pa lang nagalit na siya." Sabi ko. Hanggang ngayon kasi siguro hindi ko matanggap kung bakit sila ganun sakin. Pero ayoko naman muna sila makausap. Gusto ko naman ng time para sa sarili ko. Dapat kasi naisip naman muna nila yung nararamdaman ko nung panahon na yun. Nakakagulat lang kasi.

The Writer's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon