Diary 5 - Louder...

102 7 4
                                    


Natapos na kong mag-almusal.

Hawak ko ngayon ang sketchpad ko. Magsusulat na ulit ako.

Nandito naman ako ngayon sa salas. Dahil wala naman akong magawa. Buong araw na lang ulit ako magsusulat.

Inayos ko ang salamin ko at saka nagfocus sa sketchpad.

"Magsusulat ka na naman? Ano ba yang sinusulat mo? Asayment?"-Mama.

"Story."-ako

"Anong story? Love story? Aba. Gusto mo palang maging writer eh. Ang galing talaga ng anak ko!"-Mama

Nginitian ko na lang si mama at nagfocus na ulit sa susulatin ko.

Sanay naman ako magsulat ng buong araw sa school eh. Kaya hindi naman ako masyadong mangangalay.

Nasa school ako ngayon. Nasa room lang kami ni Nadine.

Nagkukwento siya sakin tungkol sa mga ginawa niya nung mga nakaraang araw. Pumunta daw kasi sila dun sa MOA.

Naiinggit nga ko. Hindi pa kasi ako nakakapunta ng MOA. Niyayaya ko nga si Lola na pumunta dun, pero ayaw niya. Hindi siya mahilig gumala. Simbahan, palengke, flower shop lang ang mga pinupuntahan niya na kasama ako.

Pero minsan napunta siya ng mall. Pero hindi niya ko sinasama. Kapag birthday ko lang niya ko sinasama.

Ayaw niya naman akong payagan na sumama kay Nadine pag pupunta sila ng mama niya sa mga mall. Kahit ipinagpapaalam na ko ng mama ni Nadine.

Ang strict ni Lola pagdating sa mga lakad-lakad na yan.

"At alam mo ba? May nakita nga kaming artista eh."-Nadine

"Oh? Gusto ko rin makakita ng artista!"-ako

"Basta ang saya!"-Nadine.

Naiinggit ako.

Bigla ko namang naalala na maglilipat nga pala ko ng locker ko. Sira kasi yung pinto ng locker ko eh.

"Nads. Tulungan mo ko sa mga gamit ko. Maglilipat na ko ng locker."-ako

"Nakahanap ka na ng bakante?"-Nadine.

"Oo. Tara."-ako.

Lumabas na kami at pumunta sa may locker ko. Nahirapan na naman kaming buksan yun. Dahil sira nga.

Pero after ilang minutes eh nabuksan din namin. Kinuha na namin yung mga gamit ko dun at nilagay sa paper bag at binigay yun kay Nadine.

Ako naman ang nagbitbit ng mga libro ko. Kinuha na rin sakin ni Nadine yung ibang libro dahil marami-rami yung libro. Hindi ko kaya dalhin.

Pumunta naman kami sa kabilang kanto kung saan may mga locker din. Doon yung pwesto nung bagong locker ko. Medyo magkalayo na kami ni Nads ng locker ngayon.

Nilagay na namin yung mga gamit at libro ko dun saka nilock.

"Thank you Nads!"-ako

"Welcome! May kukunin lang ako sa locker ko. Hintay ka lang dyan."-Nadine.

"Sama na ko."-ako

"Hindi maghintay ka lang dyan. Saglit lang ako."-Nadine at biglang tumakbo.

Talaga tong babaeng to. Iniwan talaga ko. Haay..

Tumingin na lang ako sa may gilid ko. Eto yung entrance ng building. Malapit nga pala sa entrance tong pwesto ng bago kong locker.

Kitang-kita ko yung field.

The Writer's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon