Epilogue

13 0 0
                                    


Nana

Dinalaw naming mag-anak ang puntod ni Mama. Akala ko magiging isang malungkot na scene na naman ito pero for some reason.. hindi.

Kinakausap nila ang puntod ni Mama na para bang buhay ito at nasa harapan lamang namin siya.

Ganun naman ang parati nilang ginagawa pero parang iba ang feeling ko ngayon.

Dati ay emptiness.

Ngayon....comfort?

--

Nagpunta ulit kaming resort!

At hindi na ako nagsuka.

Yun nga lang, hindi ako nakapagswimming.

--

Parati akong pinapatawa ng mga pinsan ko. Lagi silang may kuwento at kapag nauubo ako, sasabihin lang nila...

"Uy patigilin niyo nga yung aso sa kabilang bahay. Tahol ng tahol."

Kaya nawala na ang awkward ko kapag nauubo ako.

--

Isang beses bigla na lang akong naubo at may sumamang dugo dito.

Konti lang naman.

Akala ko lalayo sila pero tumawa lang sila at sinabing...

"Lumungad ka na naman?"

Bwisit.

Pero mas better sa feeling.

--

Napapansin ko rin sa sarili ko na medyo nagiging okay na 'ko. Madalas pa rin akong ubuhin pero bihira na lang ang may kasamang dugo.

Siguro tama nga ang sabi ng matatanda...

Happiness is the best Medicine.

Yiee, ang cheesy. Haha.

--

Niyaya ako ni Cha at Jean sa basketball court. Sabi nila nandun daw ang crush nila kaya manood daw kami ng Liga.

So nanood lang kami. Nakasuot ako ng face mask para safe.

Sa kalagitnaan ng game ay may kumulbit sakin mula sa likuran ng mini bleachers at may nalaglag na mini envelope sa lap ko.

Nilingon ko ang nangulbit pero nakatalikod na agad itong tumakbo paalis.

"Ano yan?" Tanong ni Jean nang mapansin niya yung nasa lap ko.

Nagkibit balikat ako at saka ko binasa ang nakasulat sa likod.

From: Luke

Gosh. Puwede ba kong masuka?

--

Pagdating sa kuwarto ay binasa ko ang sulat ni Luke. Nabibiwisit lang ako habang binabasa ko eh.

The Writer's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon