Diary 13 - Who are you?

27 1 0
                                    

NANA.

Alam mo yung nakakainis?

Yung pilit mo na ngang kinakalimutan yung isang bagay pero ito naman yung lapit ng lapit at pilit ng pilit.

"Hindi tayo aalis dito hangga't hindi mo pinapaliwanag sakin ang lahat."

Tinignan ko lang siya ng masama. Akala niya mapapa buka niya ang bibig ko ng ganun-ganun na lang. Ha! Magdusa siya.

Nandito kami ngayon sa isang classroom sa dati kong pinapasukang school.

Sa school kung saan ko siya unang nakilala.

"Alam mo bang lagi kitang tinatanong sa lola mo?" sabi niya.

"Oh. And so?" sabi ko naman dito. Kita ko naman na napaface-palm siya.

Antagal na kasi namin dito at hindi ako nagsasalita.

Pang-unang una kasi, bakit siya biglang sumulpot? Sa tagal ba naman ng panahon na di siya nagpakita ngayon bigla siyang magpapakita sakin. Pangalawa, salubungin ba naman ako ng maraming tanong eh ngayong kararating niya pa lang. Di ba pwedeng bigyan muna ako ng time para makarecover sa pagkashock ko nung dumating siya? Pangatlo, ayokong makipag-usap sa kanya. Hindi ko pa rin nakakalimutan lahat ng ginawa niya noh. At kung magrarason lang din siya, huwag na huwag niyang idadahilan sakin na may sakit siya kung bakit niya yun ginawa aararuhin ko siya ng buhay!

"Hindi mo man lang ba pakikinggan yung reason ko kung bakit ko yun ginawa?" tanong niya naman.

Yun nga. Hindi ko alam. Noon oo gusto kong malaman. Pero ngayon, hindi na ko interesado. Kasi kahit ano pa yatang rason hindi ko pa rin kayang intindihin. Mas mahirap pa yatang intindihan siya kaysa sa math problem.

Sa math kasi hinahanap ang x at y kasi kailangan. Pero dito sa sitwasyon ko ayoko ng makita si x at ayokong malaman ang y.

"Sige. Hindi talaga tayo aalis dito hanggang gabi tayo." sabi pa ni Luke.

"Oh edi okay. Magpapahanap ako sa Lola ko. At kapag nakita na ko ni Lola dito sasabihin ko kinidnap mo ko!" Sabi ko sa kanya.

"Okay. Sana lang may maniwala." Bulong niya pa.

"Oo talaga. Akala mo ha."

"Bakit may ebidensya ba? Pwede naman kasing isipin nila na kusa kang sumama sakin di ba? Baka pa nga isipin nila nagtanan tayo."

"Gago."

Narinig ko naman na tumawa siya. Bakit ba pag siya ang kasama ko laging sumasama ang timpla ko. Kahit di naman ako palamura namumura ko siya.

"Bakit? Posible naman di ba? At saka kunwari ka pa. Mamaya may feelings ka pa sakin ha." Ay ang kapal. Lumalakas na namin yung hangin dito sa paligid. Hindi pa rin siya nagbabago.

"Assuming ka na ngayon? Kung iniisip mo na may feelings pa ko sayo, pwes mali ka. Naging parte ka lang ng buhay ko kung nakaasta ka, akala mo ang laki ng icinontribute mo sa buhay ko."

"Bakit hindi ba? Kinilig ka rin naman ng naging tayo ha. At least nakaramdam ka rin ng lovelife sa buong buhay mo. Tong amazonang to."

"Mas pipiliin ko pang maging amazona kesa pabebe!"

"Pwede namang balance ha."

"Ayoko eh."

"Galit ka na niyan?"

"Manahimik ka! Ugh!"

"Hahahah pikon talo!"

Naiinis na ko. Akala ko pa naman naging matino na siya nung nawala ako. Pero hanggang ngayon isip bata pa rin.

The Writer's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon