Diary 10 - Identical.

66 4 4
                                    

Maaga kong nagising ngayon dahil may pupuntahan ako. Hulaan niyo kung sino ang kasama ko!

Hmm...

Si Kelly lang naman. Ang loka-loka kong bestfriend. At kung saan kami pupunta? Hindi ko alam sa babaitang to. Bati na sila ng nanay niya kaya eto at free na free na naman siyang mag-gala.

Nakasakay kami sa jeep ngayon at dala-dala ko ang tablet ko. Nasa bag ko iyon at ayokong ilabas, mahirap na. Hindi naman sa baka manakaw o kung ano, baka kasi hiramin ni Kelly at gamitin sa pagseselfie!!

Baka mapuno ang tablet ko ng mukha niya.

Matapos ang nangyari kay Kelly nung isang araw at natulog nga siya samin, lalo na siyang kinukulit ng kanyang MGA 'boys'.

Kaya kahapon ay nandun ulit siya samin at nakikitago. Binasa niya rin pala yung the writer's diary ko, I mean yung alam niyo na, yung story ko sa sketchpad.

Ewan ko ba pero gulat na gulat siya ng makita niya ang sinulat ko at mga character nun. Tinatanong niya ko kung kilala ko ba daw ang mga ginamit kong character o kung base ba daw yun sa true story.

Sinabi ko naman sa kanya na hindi at imagination ko lang ang lahat. Hindi ko pa rin alam kung saan talaga kami pupunta ng babaeng to. Ayaw niya sabihin kahit paulit-ulit ko ng tinanong sa kanya.

Medyo malayo-layo na rin sa amin ang nabyahe namin ni Kelly bali nasa kabilang District na kami.

"Kuya para po." sabi ni Kelly kay kuyang Driver saka niya ko hinila pababa.

"Andito na ba tayo?" ako

"Konting lakad pa kasi papasok pa tayo sa isang subdivision." Kelly

"Bakit mo ba kasi ko dinala dito?! Importante ba?! Ayaw mo naman kasi sabihin sakin eh!" sabi ko

"Wag mo naman akong pag-initan kung naputol ko ang panunuod mo ng Fall in Love with Me sa tab mo. Malalaman mo rin kung bakit kita dinala dito at pasasalamatan mo pa ko!" Kelly.

"Sabihin mo kaya kung bakit tayo nandito." ako

"Mamaya na at naghihintay si Eric dun. Baka naawkward na yun!" Kelly sabay biglang hila sakin at lumiko kami para pumasok sa isang subdivision.

'Villa Claridad'? Yan ang nakita ko na pangalan ng subdivision. Pero teka nga, ano namang ginagawa ni Eric dito? Pinlano ba nila to?

Naguguluhan na ko.

"Teka nga!" ako sabay hila ng kamay ko na hawak hawak ni Kelly. "Bakit ba kasi tayo nandito? Bakit nandito si Eric? Plano niyo ba to?" ako

Nakita ko ko na napairap si Kelly at saka tumingin sakin ng seryoso sakin.

"Sige na, sasabihin ko na! Pero sabihin mo muna sakin, inimagine mo lang ba talaga ang story na ginagawa mo ngayon? O base siya sa true story?! Yung totoo ha!" Kelly.

"Kelly, sabi ko naman sayo inimagine ko lang ang lahat. Tsaka di ba sinabi ko sayo na sinimulan ko to nung brown-out satin at naisip ko lang talaga yun dahil bored na bored ako. At kung true story man to, eh kanino namang story?" ako at saka ko huminga ng malalim. Pero... bakit ba ko tinatanong ni Kelly kung true story ang story na nabuo ko?

"Alam mo kasi Leigh! Maniwala ka man o sa hindi, may nakilala ako na ganyang-ganyan ang mga nangyari sa kanya. Yung mga scenes sa story mo! Pati yung mga pangalan dyan. Si Nana, Luke, Nadine, Tita Rain, at pati yung Randelle dyan sa story mo na lalaking mukhang babae! Totoong tao sila, kaya nagtataka ko kung talagang imaginataion mo lang ang lahat." Pagpapaliwanag ni Kelly.

The Writer's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon