Diary 20 - 10 17 AM

12 0 0
                                    

Someone's Diary

Okay. Ngayong araw na ito, sinubukan ko talagang kumalma. Pero hindi ako kumalma! Bakit ba hindi ako mapakalma? Sinubukan ko pa ngang matulog pero wa epek!

Ilang oras na ang nagdaan, tumubo na ang puso ng saging ng kapitbahay namin, naubos na nung aso ang pagkain niya, natunaw na ang nunal ni Nora at umitim na ang ngipin ni Lola... pero hindi pa rin ako kumakalma.

Erase yung part na umitim ang ngipin ni Lola. Baka kapag nabasa ito ng Lola ko, palayasin ako. Nako baka nagkataon wala akong tutulugan.

Kanina, nangyari ang laban niya sa Track and field. Oo, makalipas ang dalawang buwan naging close na talaga kami at sumasabay na rin siya sa amin ng bestfriend ko kasama ang bestfriend niya sa canteen pag recess.

Gusto niyang manuod ako sa laban niya pero gaganapin 'yun sa ibang school. Kaya sobrang sayang. Hindi ko siya nakitang madapa. 'De joke. Syempre hindi ko siya nakitang nagwagi.. yun kasi yun.

Balita nga kanina na champion siya. Ang galing nga eh.

At kanina! Nahuli niya kong binabasa ang libro niya. I mean yung isa ko pang kaibigan at kababata. Yung may-ari ng Elanor & Park na libro. Pinagtawanan niya ko ng sobra. Sabi ko na nga ba eh. Pumuti man ang toyo at umitim ang suka pero wala nahuli na ako.

Inamin ko naman na nahilig na talaga ako sa mga romance. Natapos ko nga iyong libro niya eh. Sinauli ko naman ito sa kanya matapos. Nahuli niya na tuloy ang kiliti ngayon. Pero ayos rin na nahuli niya akong nagbabasa dahil papahiramin niya daw ako ng iba niya pang libro. Sabi niya pa nga, kahit anong tago ko, lalabas daw talaga ang totoong gusto ko.

Nagsearch din ako kanina sa google. Kung bakit bumibilis ang heartbeat ng isang tao kahit wala naman siyang ginagawang nakakahingal. Pero lahat ng nabasa ko, nabwisit lang ako.

Inlove?

"You're joking right?" Parang 'yan ang gusto kong sabihin. Ibig sabihin ba nun inlove ako? Hamunin ko kaya ng suntukan gumawa neto! Inlab?

Inlab yor peys.

.

.

.

Pero hindi ako tanga. Lolokohin ko pa ba ang sarili ko? Alam kong inlove ako.

Waahhh!

--10 17 AM

The Writer's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon