Diary 31 - Strangers

7 1 0
                                    

Ainsleigh

Hindi makakilos, masakit ang ulo, at nagha-hallucinate. Yan ang madalas kong maramdaman sa mga nakalipas na linggo hanggang ngayon. Hindi ko nga alam kung anong nangyayari sakin pero kung anuman yun ay hindi ko na gustong malaman pa. Nakakadagdag lang ng stress. Gusto ko na lang ay ang gumaling.

"Huwag mo natin siyang palabasin ng palabasin. Mahirap sa kondisyon niya ang kumilos." rinig kong sabi ni Mama mula sa kabilang kwarto. Sobrang tahimik ng bahay kaya kahit pabulong lang ito ay rinig pa din.

"Kailangan niya rin namang kumilos-kilos at saka sabi niya okay na raw siya. Hayaan mo na muna." sagot ni Papa.

"At naniniwala ka naman sa anak mo?"

"Hindi ka ba naawa sa kanya? Lagi na lang nasa bahay?"

Lumabas ako ng kuwarto ko at pumunta sa kabilang kuwarto kung nasaan sila. Patuloy silang nag-uusap at napatigil na lamang ng dumating ako.

"Di na lang po ko sasama. Tinext ko na si Kelly." Sinabi ko na lang kahit di ko pa talaga nasasabi kay Kelly. Natahimik naman sila at magsasalita pa sana si papa pero naglakad na ako at pumunta sa kwarto namin ni Ate.

Madali lang naman akong kausap. Tsaka naappreciate ko naman yung pag-aalala nila so hindi na lang ako sasama. Siguro ito na rin yung way ko para makabawi sa lahat ng pagsagot at pagkontra ko sa mga desisiyon nila. Kahit ang ilan dun ay hindi ko talaga magets.

So tinext ko si Kelly at sinabing di na nga ako makakasama. Nagreply naman siya.

Kelly: Hindi ka pinayagan? Aww sayang naman. Grabe wala ba silang tiwala sakin.

Ako: Wala agad tiwala? Di ba puwedeng nag-aalala lang sakin?

Kelly: Oy... ano nang nangyari sa Leigh na kaibigan ko? Bait ah.

Ako: Bumawi lang.

Kelly: Naks. Pero tama yan. Sige tuloy na kami ni Mama ha. Next time.

Ako: Okay.

Hinanap ko agad ang diary ko. Ewan ko pero gusto ko ngayong magsulat. Alam kong may issue ang story ko pero for some reason gusto ko pa rin ipagpatuloy.

Binuksan ko ang drawer para kunin ang diary ko nang may mapansin akong tao sa labas ng bakuran namin.

Matandang babae na mga nasa mid 60 ang edad may katabaan mahaba ang buhok na namumuti na at naka-puyod. Para lamang siyang nagmamasid sa bahay namin. May kailangan ba siya?

Nang makita ko namang paalis na ito ay lumabas ako ng bahay. Gusto kong tanuningin kung anong kailangan nito.

Nanag maabutan ko pa ito ay agad akong nagsalita.

"May hinahanap po  ba kayo?" Lakas laoob kong tinanong at nagulat naman sakin ang matanda. Ang creepy lang kasi kung wala naman siyang kailangan pero grabe siya kung tumingin sa bahay namin.

Lumingon siya sa akin at ngumiti. Yung ngiti na parang masaya siya at nasatisfied sa nakita.

Inulit ko ang pagtatanong." May kailangan po kayo?"

Hindi siya sumagot sa halip ay sinenyasan ako na lumapit. Nagadalwang isip man ako ay lumapit na lang ako. Wala naman sigurong mangyayaring masama sakin di ba?

Lumapit ako sa kanya at dinikit niya ang likod ng kamay niya sa noo ko. "God bless you." Sabi niya habang tumatango at parang maluha-luha pa nga. Okay kinikilabutan ako.

Ngumiti na lamang ako at unti-unting lumayo. Naglakad naman agad siya palayo nang sabihin niya iyon. Hindi ko maintindihan pero nakakagaan ng loob.

Makalipas ang ilang araw ay ganun pa rin ang nararamdaman ko. Madalas ko ring napapanaginipan si Nana... at ako... na magkasama... at nagkukuwentuhan....masaya. Pero hindi naman totoo dahil panaginip lang. Pakiramdam ko tuloy sa sarili ko laging may kulang.

Sa mga nagdaang araw ay may kakaiba rin akong napapansin. Tuwing umaga ay laging may dumadaan sa tapat ng bahay namin na mga hindi kilalang tao simula nang pumunya dito ang matandang babae. Ang ilan pa nga sa mga ito ay familliar pwro di ko maalala kung saan ko ba sila nakita. Nagmamasid lang ang mga ito at parang gusto pa ngang kausapin ang tao sa loob.. pero parang wala silang lakas ng loob.

Hindi naman ako nakaramdam ng pagkatakot o pag-aalala. Hindi naman sila mukhang masamang tao. Wala naman akong nararamdaman sa presensya nila.

Hindi rin alam nila Mama at Papa na may pumupunta sa amin. Ayokong sabihin kasi baka mga empleyado lang yun na gustong mang-interview o kaya naman mga tagabigay ng bagong census, yung number ng bahay. Presentable kasi ang dating nila eh.

Walang tao ngayon sa bahay dahil umalis sina Papa at Mama. Kung saan sila pumunta? Hindi ko rin alam.

Wala rin si Ate pero nandito naman si Kuya. Busy siya sa pagcocomputer at nakaheadset pa nga. Ayaw paistorbo. Uutusan ko sanang ikuha ako ng pagkain kaso baka awayin na naman ako nun.

Lumbas ako ng kuwarto ko para ikuha na lang ang sarili ko ng pagkain. Bago pa man ako makarating ng kusina ay nay nang bato sa pintuan namin. Leche.

Tumakbo ako at binuksan ang screen door. Doon ko nakita ang isang babaeng mukhang mas bata sakin, mahaba ang buhok at maputi. Si Nana.

Agad akong lumabas ng bahay at pinagbuksan ko siya ng gate.

"Pasok ka." Sabi ko dito pero nagulat ako ng bigla niya kong yakapin. Hindi ako nakapagsalita sa halip ay niyakap na rin siya. Bumitaw siya sa yakap at tinitigan ako.

"Naalala mo pa ba ko?" tanong niya.

Tumango ako. "Syempre..." Pumayat siya at halatang marami ang nagbago sa kanya.  Gumanda siya at parang mas naging masaya ang mukha niya. "Pasok ka." Alok ko ulit.

"Hindi na. Gusto lang kita makita. Hindi rin ako puwede magtagal. Tumakas lang ako." sabi niya.

"Huh?" Pagtataka ko. Parang sa istura niya hindi niya kayang gawin yun.

"Tsaka di rin ako puwedeng makita ng iba."

"Paan--"

"I mean.... basta. Sige aalis na rin ako. Delikado masyado."

"Yan lang talaga pinunta mo dito? Gusto mo lang akong makita? Sure ka?"

Tumango siya at saka nagbeso sa akin.

"It's great to see you."

Saka siya nagmadaling umalis. Just wow. Ano bang nangyayari?

Sakto namang may pumihit na trycicle sa tapat ng bahay namin at bumaba doon sina Mama at Papa.

"Bakit nasa labas ka? Sinong hinihintay mo?" tanong ni Mama.

Umiling ako at sabay sabay kaming pumasok sa loob.

The Writer's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon