Diary 19 - 08 03 AM

13 1 0
                                    

Someone's Diary

Ayan, nagsisismula pa lang ang panibagong buwan pero ang tindi ng dulot sa akin. Ayan! Ayan! Kasi naman! Bakit ba kapag may lalaki nagsisimulang manlaban ang mahiyain kong genes, sa amazona kong genes. Hala sige, magapatayan kayo sa loob ng katawan ko! Oo OA na.

Hindi ako pala sulat dito sa diary ko pero mukhang mapapasabak ako neto.

Kanina naman kasi, pagkamalan ba naman ako yung kaibigan niyang tomboy! Ayan lumabas ang medyooo....slight na pagka-amazona ko. Eh siraulo ba siya? Amazona lang ako pero hindi ako tomboy. Suntukan na lang oh?

Siguro kung may buhay lang tong diary ko, nanlaban na rin to. Eh sa mga pinsagsasasabi ko ba naman dito sinong hindi maloloka.

Btw, pasalamat siya nasa harapan kami ng bahay niya at nasa teriroryo niya ako, kundi nako. Mauupakan ko siya. Nakakagrabyado ho kasi! Nakapuyod lang ho ang buhok ko, pakiusap. Minsan lang ako magpuyod ng buhok, ganito pa ang makukuha kong comment mula sa kanya? Aba'y matinde.

Pero sa tingin ko dahil sa nangyari kanina ay naging close kami. Akalain mo yun, may kaclose na akong lalaki? Improvement para sa akin 'yun.

Ilang beses ko na rin naman siyang nakausap at.... o sige oo na, nasubaybayan, pero ngayon ko lang siya nakabiruan. Meron pa nga noon sa trycicle, medyo humble pa ako, pero juskoo naman ewan ko kung maarte lang siya o nahihiya at ayaw madikit ang braso niya sa akin. Pasalamat siya may driver at naging mabait pa ako at pinasandal ko siya. Naku, kung hindi ko lang kailangan ng kasabay pauwi noon hindi ako sasabay sa kanya, at oo kasi nahihiya nga ako. At ganito lang talaga ako magsalita sa diary na ito. Kasi gusto ko kapag binabasa ko ang diary ko, natatawa ako. Kaya iniiba ko ang way ko ng pananalita, pero hindi talaga ako ganito magsalita sa real life.....well, bahala na sila ang humusga.

At ito pa! Anak ni batman! Bumili kami ng frappe kanina. Halos magtaka ang mga bulate ko sa katawan, dahil first time kong mag-gala na may kasamang lalaki na hindi ko kamag-anak. Yung tipong kaibigan ang sinasabi ko. Nakita pa nga kami ng bestfriend ko, at juskoo hindi ko alam kung anong expression ang iniwan sa akin. Naiwan tuloy ako dun na parang sira at nagtataka.

Eto pa ang matindi! Anak ng sukang may patis with vanilla frosting oh! Hindi ko alam ang nangyayari sa dibdib ko. I mean yung puso, sa mga grin dyan. Yung nararamdaman, iyong feelings to be specific. Ang lakas kasi ng tibok ng puso ko kanina. Bakit kaya? Magkakasakit ba ako?

Magkakasakit ba ako?

Ha? Sabihin niyo.

Pero oo! Alam ko ang nararamdaman ko, hindi ako shunga. Pero ang tanong bakit?

Naman kasi ayan! Basa pa ng romance more.

Haay, ang hapdi sa utak nito oh.

-- 08 03 AM

The Writer's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon