(2) Huanglong

268 14 9
                                    

Tumayo si King sa batong dating kinauupuan. Ramdam niya ang pagbabago sa kanyang katawan. Parang may malakas na pwersa ang nananahan sa loob niya. Gumagapang ang pwersang yun sakanyang kaliwang braso. Uminit ito at ang tingnan niya ay umuusok na at may nauukit. Isang dragon na nakaikot na hugis otso.

Hinimas niya ito dahil sa pagkamangha. Matagal niyang tinitigan ang nakaukit sa braso niya. Naalala ni King ang sinabi ng gintong dragon na si Elixiro, sya daw ang Legendary Dragon Guardian at nasa dugo na raw nila ang pagiging ganon. Hindi malinaw kay King ang nangyayari at mga mangyayari. Tumingin sya sa paligid upang hanapin ang lolo upang syang mapagtanungan.

Tumalon siya papunta sa pangpang. Sa taglay niyang lakas ay napasobra ang talon niya at nabunggo sa isang puno. Halos matumba ang ito sa lakas ng pagtama ng katawan ni King ngunit walang anumang sakit sa katawan ang kanyang naramdaman.

Nagpapagpag sya ng katawan ng biglang magsalita ang Master slash Lolo niya mula sa likod.

"Isang oras na pagninilay sa tuktok ng pinakamataas na puno dito, iyan ang karampatang parusa sa muntikang pagsira punong iyan." Napakamot sa ulo si King dahil sa parusang iyon ng kanyang lolo.

Sa lahat na parusang pwede nyang matanggap ang pag-upo at pagninilay ang ayaw niyang gawin. Ang isang oras na purong katahimikan ay katumbas ng isang araw para kay King. Ngunit wala syang magagawa dahil utos ito ng kanyang master.

"Isang oras kang tatayo gamit ang iyong isang paa sa kahoy na iyon." Utos ni Quo Long sa apo habang itinuturo ang tuktok ng pinakamataas na kahoy sa kagubatang kinapapalooban nila.

Tumango si King at tumalon pataas ng puno. Isang talon ay halos nangalahati agad ang narating ni King. Lumambitin, tumatalon at nagpasirkosirko si King sa pagakyat ng puno. Hindi naging mahirap ang pagakyat nya sa puno dahil nakasanayan na niya ito kapag nagngangalap sila ng mga kung ano-anong sangkap sa kagubatan para sa gamot na ginagawa ng lolo niya. Hindi na nya nakuhang usisain pa ang lolo niya dahil nakalimutan nya ito.

Tumayo si King sa isang sanga ng malagong punong kahoy at inilibot ang mata sa paligid. Ngunit ganoon na lamang kanyang pagtataka nang tanging mga malalagong kahoy ang nakita niya. Hindi kalayuan sa dambana (shrine) ang gubat na pinasok nila kaya inaasahan ni King na makikita niya ang dambana.

Ipinikit niya ang kanyang mata. Huminga ng mahinahon. Unti-unti naging maayos ang ritmo ng kanyang paghinga.

Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.

Konsentrasyon...

Konsentrasyon...

Konsentrasyon...

Paulit-ulit na sambit ni King sa kanyang isipan hangang maging mapayapa na kanyang isipan.

"King... Sa wakas ay kinausap mo na din ako." Napamulat si King dahil sa tinig na nariring niya sa isip niya. Halos matumba at mahulog siya sa punong kinatatayuan dahil sa pagkabigla. Ang dragon sa panaginip niya. Ang dragong si Huanglong.

"Huanglong?" Nagaalangang tanong ni King sa kaharap na dragon. Ngumiti si Huanglong sa binata. Ilang ulit nang nasisilayan ni King ang dragong si Huanglong at iba pag dragon, ngunit ang makita ito sa harapan niya ay nabigla pa rin siya. Namamangha parin sya.

"Ako nga. Matagal na kitang sinusubukang kausapin ngunit hindi mo ako makuhang tugunin. Bago iyon may handog ako saiyo. Maligayang kaarawan, nais kong masiyahan ka sa aking regalo."

Sumabog ang matinding liwanag mula sa katawan ni Huanglong. Naipon ito sa gitna ng dragon at ni King. Unti-unting humupa ang liwanag. Lumabas mula sa liwanag ang isang scroll. Dahan-dahan itong lumapit kay King habang lumulutang sa ere. Dahil sa panaginip niya kaninang umaga nakalimutan niya ang kanyang kaarawan.

Mythical ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon