Inabot ako ng magdamag kaiisip kung totoo nga bang ako ang dahilan ng biglaang pag-ulan kanina. Nakaka- nakaka? Ewan!
Tinignan ko ang mga kamay ko. Sabay ko itong binubukas-sara. Madalas kasi sa napapanood kong movies, may dumadaloy na kung ano sa kamay kung may kapangyarihan ka.
Ulan ba ang kapangyarihan ko? Tubig? Kaya ko bang kontrolin ang panahon? Kung kelan iinit o uulan? Mapapigil ko ba ang bagyo?
"Hindi ko pa din maintindihan Athan, ba't bigla atang naging uto-uto. Tanda ko pa noong, first year tayo, pinatulog mo yung isang nambully satin. Yun pang tatlong pinagsabay mong kalabanin, na hindi iniinda ang mga suntok nila. Kaya nga iniiwasan tayong i-bully, tapos ito tayo ngayon... bumibili ng snacks ng may snacks."
Dahil sa insedentent yun, mas naging maingat ako. Tutal isang buwan na lang tapos na ko sa huling sem ko sa pag-aaral, sagad sa butong pag-iwas na lang ang gimawa ko.
Kung noon, nagagawa kong makipag-tagisan ng tingin sa mga nantitirip samin; ngayon, mabilis akong nag-iisip kung paano makaiiwas. Naroon yung, magkukunwareng tatawag sa Tito ko para maka-iwas. Yung mag-bibingi-bingihan para kunware wala na lang na naririnig.
At ang pinaka-masaklap... ang maging utus-utusan ng iba.
Natatakot ako, para sa iba. Baka kung ano ang magawa ko... ng kapangyarihan ko. Ayokong may masaktan ako dahil lamang nagalit ako.
"Graduating tayo... bawal magka-bad record." Simple kong tugon kay Troy.
"Eh- tss... kelan pa 'to naduwag?" Naiiling nya pang bulong.
"Umiiwas ako... Iba yun sa duwag." Syempre, dumepensa ako! Kung noon ngang hindi ko pa alam na may kakaiba pala akong kakayahan, hindi ko inatrasan ang mga bumubunggo samin; ngayon pa ba?
Ayoko lang makapanakit...
"Mababait naman pala kayo eh..." nakangising sabi ni Kindred. "Ito ba Babes ang nagustuhan mo noon? Utuin?" Turo sakin ni Kindred habang nakatingin kay Annie.
"Alis na kami..." mabilis kong pagpapaalam. Hindi ko na inintindi ang pang-memenos ni Kindred, wala namang halaga ang sinasabi nila.
"Not so fast-" pinutol ni Annie ang sasabihin ni Kindred.
"Pwede na kayong umalis... kumain na tayo Kindred." Tinanguan ko si Annie at malumanay na nginitian. Sinamaan naman ako ng tingin ni Kindred.
Iniwan ko ang dalawa na parang nagdisiskusyon. Sa totoo, hindi ko inakalang magiging sila...
Ilang buwan matapos magpatapat si Annie na gusto nya ako- na nireject ko- nabalitaan ko na lang na sila na ni Kindred. Pero nagagalit sakin si Kindred dahil... ako pa rin daw ang gusto ni Annie.
Hindi sa nagyayabang ako, pero wala namang akong magagawa doon. Tulad kung paanong wala ding magagawa si Annie kung bakit di ko sya gusto.
"Ang sarap bangasan ng isang yun!" Nanggagalaiting sabi ni Troy habang naglalakad kami pa punta sa mini-forest. Dun kami tumatambay para sa paggawa ng ilang school requirements.
Nahiga ako sa damuhan... ilang araw na lang, hindi ko na ito magagawa. Gagraduate na ako. At, tulad sa plano nila Boss Shin at ni King, magsasanay na daw kami...
Kaya ko nga ba?
Maiililigtas ko ba ang mundo?
Pano kung hindi ko kayanin?
Pano kung magkamali ako?
Bakit ako may gantong kakayahan? Bakit ako pa?
Pano ko ba ito magagampanan ng maayos?
BINABASA MO ANG
Mythical Clash
AdventureWhat if the myths of different races meet? Greek mythology Norse mytholgy Egyptian Myth Chinese Myth Korean Myth Japanese Myth Indian Myth at Pinoy Myth and many more.