Nakaraan...
Nagpunta sila sa Mall. Nagmadaling umuwi si Shin dahil sa kakaibang pakiramdam. Nag-iba sila ng ruta hanggang makarating sa liblib ng lugar...
XXXXX
Nakatayo si Nathaniel sa tabi ni Mina habang ang mag-amang Shin at King ay nakahanda ng lumaban. Makaposisyon sa unahan nila, nag-aantay sa sinasabing mga sumusunod.
Kinakabahan man si Nathaniel hindi niya ito ipinapakita. Sa kanya kumakapit si Mina kaya't kailangan niyang tatagan ang loob. Hindi pwedeng may masaktan sa grupo nila. Hindi sya. Hindi ang Boss Shin nila. Hindi si King. Lalong hindi si Mina.
"Hangga't maari... Walang gagamit ng kapangyarihan." Walang tumutol sa sinabi ng ama ni King. Tumango lamang sila at nag-antay.
Tunog ng big bikes ang nagpaaalerto kila Nathaniel at King. Tatlong lalaki ang namataan ni Nathaniel sa di kalayuan na bumaba sa big bikes. Naka-uniform ito ng kulay abo at may logo ng kung ano sa dibdib, sa una'y aakalain mong empleyado ng gobyerno o ng militar. Dahan-dahan itong lumalapit sa kinatatayuan ng grupo ni Nathaniel. Halatang handa itong makipaglaban. Malalaki ang katawam pero kapansin-pansing mga binata lang din ito.
"Sino sakanila ang kukunin natin?" Nadinig ni Nathaniel na tanong ng ipinaka matangkad sa tatlo.
"Syempre yung pinakamalakas o kaya, lahat para walang sabit." Sagot noong medyo mababa na chubby.
"Akin 'yun babae." Singit namin ng lalaking may mahabang buhok.
Nagsimulang manibugho si Nathaniel. Bumibigat ang bawat paghinga at nakakuyom ang mga palad.
"Athan... Huminahon ka." Paalala ng Boss Shin niya.
Napakurap siya. Ano na bang mangyayari?
Alas kwarto na ng hapon at nasa liblib silang lugar. Hindi naman sila hahayaang basta na lamang umalis ng mga taong nasa harap nila. Hindi man niya alam ang plano ng mga ito, alam niyang hindi ito para sa ikabubuti.
"Wag na kayong manlaban para mabilis lang tayo. OK?" Nakangising sabi ng mababa sa tatlo. Huminto ang bagong dating na grupo ilang metro kila Nathaniel.
Tulad sa madalas mangyari, nagsumiksik si Mina sa likod ni Nathaniel. Pasilip-silip lang ito.
"Anong kailangan niyo?" Kalmadong tanong ni Boss Shin. Paano kaya nakukuhang kumalma ni Boss? Nagtatakang usisa ng isip ni Nathaniel.
"Kayo." Walang pag-aalinlangan sagot ng lalaking may mahabang buhok.
Naalarma sila nang magtakbuhan ito papunta sa kanila. Nakangisi ang mga ito at parang mga gutom na hayop na handang mangain.
Nanatiling nakatayo si Nathaniel habang sinasalubong ng mag Ama ang kalaban. Hindi niya pwedeng iwan si Mina. Inantay na lamang niya na makarating sa kinatatayuan ito niya. Hindi iniiwan si Mina.
"Dyan ka lang sa likod ko Mina." Buong tapang na utos ni Nathaniel. Nagkakasagupan na ang dalawang kasama ng nakamotor. Si Boss Shin ang humarap sa pinakamatangkad, kay King naman ang pinakamababa. Hindi nakikitaan ni Nathaniel ng bakas ng pagkatalo ang mag-ama kaya't hinayaan na niya ang mga ito.
Hindi kita hahayaang makalapit kay Mina. Determinadong binaling ni Nathaniel ang tingin sa papalapit na kalaban. Sinusuri niya kung may itinatago ba itong armas na maaring bigla nitong gamitin.
Tatlong hakbang bago makarating sa kinatatayuan niya at mabilis na tumalon ang lalaki. Isang somersault.
Lumapat ang paa nito sa lupa at nginisihan si Mina. Hindi inasahan ni Nathaniel ang nangyare. Ngunit, ramdam niyang nasa likod ito kaya't bago pa mahawakan ng lalaki si Mina, nagpalit sila ng posisyon. Hinawi ng kanang braso niya si Mina at nagpakawala ng isang suntok. Suntok na walang pagpipigil.
BINABASA MO ANG
Mythical Clash
AdventureWhat if the myths of different races meet? Greek mythology Norse mytholgy Egyptian Myth Chinese Myth Korean Myth Japanese Myth Indian Myth at Pinoy Myth and many more.