(3) Unleashed

119 10 2
                                    

Bago tuluyang harapin ang mga kalaban, pinigil muna ni Quo Long si King upang pagmasdan ang kaganapan sa labas ng protektadong gubat. Sampong nakaitim na mga lalaki ang namataan ng magLolo. Ang dalawa ay abala sa pagkontrol sa dalawang dragong sumusubok na sirain ang lugar. Ang anim ay nakatayo lang at nagaantay na masira ang proteksyon ng gubat. At ang huli ay walang ganang nanonood sa ibang kasamahan. Kapansin pansin na sya ang pinuno dahil sa asta niya.


"Lolo..."


"Kung iyong mamarapatin. Ako na ang bahala sa mga may dragon. Ikaw na ang bahala sa anim na natitira pa. Nag-usap na kayo ng dragong si Huanglong, alam kong alam mo na ang nararapat."


Tumango si King. Konsentrasyon. Naisip ni King ang pinakamahalagang bagay para tawagin ang tulong ng dragon.


"Ihanda mo ang iyong sarili."


Ipinikit ni King ang kanyang mata at pinatatatag ang loob. Bumuga sya ng hangin at tumayo ng puno ng kompyansa sa sarili.



"Ngayo na!"



Naunang lumabas si Quo Long sa proteksyon ng gubat kasunod niya si King.


"Mga lapastangan!!!!" Sigaw ni Quo Long na siyang dahilan upang matoon sa kanya ang atensyon ng mga kaaway.



"Dragon guardians. Hahahaha." Sambit ng pinuno at tumawang animo'y nasisiraan ng tuktok.



Tumigil din ang dalawang dragon sa pagpagbunggo sa pananggalang at tumingin sa pagdating ni Quo at King. Nagtapunan ng matatalim na tingin ang bawat isa. Nagsusukatan ang kanilang mga tingin.



"Hindi kami naparito upang makipagtitigan sa inyo." Sigaw ng pinumo na may asul na mata at buhok. Bumaling ito sa mga kasamahan niya. "Kayo!!! Ano pang inaantay niyo! Patayin ang huling drahon guardian sa angkan ng mga Long!"



Agad naglabasan ng kani-kaniyang armas pandigma ang anim na tila mga normal na taong may kaalaman lamang sa martial arts. Iba't ibang armas ang nakita ni King. Boomerang, palakol na may makabilaang talim, espada, shuriken, kadena at sibat.



Tumalon si Master Quo. Halos kasing taas ng talong iyon ang limang palapag na establisyimento. Nakaramdam ng takot si King dahil baka mabalian ng buto o mamatay ang kanyang lolo kapag ito'y lumagpak sa lupa. Ngunit kasabay sa pagbulusok nito pababa ay ang paglitaw ng isang dambuhalang dragon na doble sa laki ng dalawang dragon na unang nakita ni King magkasing laki ito at ang dragong si Huanglong. Nakasakay na ngayon si Quo Long sa likod ng isang berdeng dragong may mahabang katawan at may apat na paa na may apat na matatalim na kuko. Tatlong kuko sa harap at isa sa hulihan sa bawat paa.


Labis ang pagkamangha ni King kung kaya't hindi niya namalayang napapalilibutan na siya ng anim pang kalaban.


"Anong kailangan niyo?!" Galit na sigaw nito sa nakapalibot na mga kalaban.


Imbes na sagutin ay linusob siya ng mga kalaban ng sabay-sabay. Sa pagmamadali ay pagtalon na lamang naisip na gawin ni King.


"Isa-isa lang naman!" Nabibiglang bulalas ni King.



"Sabik na nga kaming patayin ka kaya't bumaba ka rito!!!" Sigaw sa kanya ng isa sa kalaban. Saka pa lamang niya napansin na nakalutang pala siya sa hangin.



Aba! Pano ako bababa? Natatarantang taong niya sa sarili.



"Kung hindi ka bababa. Ako ang magpapababa sayo!" Sigaw ng isang kalaban habang pinaiikot sa gilid niya ang kadenang hawak nito at hinagis papunta paa ni King. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, mabilis na nakarating si King sa ibaba.



Mythical ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon