(6) Tago

35 3 2
                                    

Ang nakaraan...

Nahimatay si Nathaniel ng may lumitaw na nalahubad na babae mula sa picture matapos niyang iguhit ang buntot ng puting lobo.

Naramdaman naman ni King ang enerhiya na nagmula sa kinalulugaran nila Nathaniel. At nagitla sa nasaksihang ganap. Hubad ba babae at nahimatay na lalaki.

Binalot ni Nathaniel ng kumot ang hubad na dalaga. Itinago ito sa likod at hinarap si King na nasa pinto ng kwarto niya...

________________________
________________________

Nathaniel's POV

"Oppa?" Nilingon ko ang babae sa likod ko. Ang mata ng dalaga ay parang nagtatanong. Alam ko! Ang 'oppa' ay isang Korean word. Malamang ay Koreana ang babae. Hindi ito maipagkakaila sa singkit pero medyo bilugang mata ng dalaga. Matangos ang ilong nito at mapula amg labi mas pinatingkad pa ito ng makinis nitong kutis. Pero! Anong ginagawa nito sa loob ng picture?! Pano yun napunta doon?!

Napalunok ako ng dumako tingin ko sa walang saplot na balikat ng dalaga. Shete! Ang puti at ang kinis!

"Paumahin sa pang-iistorbo." Nilingon ko ang lalaki sa pinto. Tila parehas kming nabigla ng babae kaya't mabilis itong nagtago sa likod ko.

Mas matangkad ako sa dalaga. Kaya't pakiramdam siguro nito ay safe siya sa likod ko.

"Athan!" Shet! Si Tito yun! Kinabahan agad ako! Di to pwedeng makita no Tito. Naramdaman ko na lang na uminit ang likod ko. . . Nagsumiksik pala kasi ang dalaga.

"S-Sino ka?!" Tanong ko sa lalaking nasa tapat ng kwarto ko. Singkit ito at maputi din tulad nibBoss. Pero, naguguluhan ako, paano ito nakapasok?

"Ginoo... ako si King." Kalmadong sagot nito. "Halata sa iyong mukha na ika't nagugulumihanan ka. Pero wag kang matakot sakin."

Lalo ko lamang itinago ang babae sa likod ko. Isang stranghero ang lalaking nagpapakilala bilang King. Hindi ko siya kilala. Baka bigla na lang nito kaming saktan.

"Ano kailangan mo dito?! Pano ka nakapasok?! Umalis ka na please! Mapalagalitan ako ng Boss namin! Kaila-"

Naputol ang mabilis kong pananalita ng marinig ko nagsalita ang Tito Rex sa ibabang bahagi ng bahay. . . sa display area ng mga antigong ibinibenta namin

"Athan! Nasaan ka ba? Nagtext si Boss na babalik daw sya ngayong araw. Hindi sya tuloy sa Albay! Dalawang oras na lang nandito na yun.!"

Alas tres na!

Tumakbo ako papunta sa cabinet at mabilis na humablot ng damit. Sunod ay tumakbo ako palapit sa pinto at pinapasok si King at sumigaw...

"Tito... Nasa kwarto ako. Ano... Ah..." Lumingon ako at dumapo ang tingin sa babaeng natatakpan ng kumot. "M-mag- magbibihis lang ako." Saka ako pumasok sa loob ng kwarto. Humihingal. . . sumandal ako sa likod ng pinto. Para akong pagod na pagod sa ginawang pagsigaw. Ano ba kasi 'tong nangyayare?

"Ginoo... May napansin ka bang ibang kakaibang bagay maliban sa babaeng ito na walang saplot?"

Kung nasa ibang sitwasyon lamang ako maaring matatawa pa ako sa pananagalog ng King na 'to. Lalim e!

Argh! Mamaya tong singkit na matatas kung managalog.

Hindi ko na lamang muna inintindi ang tanong ni boy singkit. Lumapit ako dun sa babaeng nakatayo at tanging kumot ang nakatakip sa katawan. Mukha namang walang masamang gagawin ang mga ito.

Mythical ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon