[NATHANIEL]
"Wag kang pasaway dun Athan ah, babatukan kita kapag umuwi kayo ditong may reklamo si Boss!" Napakamot na lang ako ng ulo. Grabe naman kasi si Tito. 'Kala ba neto, 9 yrs old lang ako? "Mag-iingat kayo dun!" Huling sabi ni Tito. Sa huli, natuwa ako. Kahit parang inahing manok magratatat si Tito, alam kong nag-aalala sya sa'kin. Nanmatapos na magtatalak-- ala inaheng manok -- wala syang ibang gusto maliban sa kapakanan ko.
"Sayo ko na muna ipapaubaya ang Shop Rex. Isasama ko muna itong tatlo sa paghahanap ng mga antique..." tango-tango lang si Tito Rex, pero alam ko hindi nya talaga gustong magpa-iwan. Bukod sa gala sya, ayaw nyang maiwan... mag-isa.
San kami pupunta?
Ang totoo... pupunta kami sa outerspace, mag-a-alien hunting. Tapos pupunta kami sa alternate world sa tulong ng mga aliens na mahahanap namin. Kapag nandun na kami... wala na akong maisip.
Argggh! Nahahawaan na ko ng kabaliwan ng mag-amang singkit na 'to. Ang totoo, hindi ko alam kung saan ba kami dadahilhin ni Boss Shin. Para di na mabigla, inuunahan ko nang mag-isip ng lugar kong saan kami dapat magpunta para sa training. Ang alam ni Tito bibili kami ng mga antigo. Yun ang akala nya.
Buti at walang masyadong interruptions sa gagawin namin.
Tugma naman sa schedule ko ang training Wed to Friday lang ako may pasok bilang ilang units na lang ako.
Pano ba kasi ang training? . hindi ko alam ang posibleng mangyari. Anong klase training ba? Pang militar? Navy? Seal?
Sumakay kami sa Ranger na gamit namin sa pagpick up o pagdeliver ng mga antiques.
Nakakamangha na magaling na magaling si Boss sa pagnanagalog. Pero mas nakakamangha na ang galing nya mag-anticipate ng mga bagay -- lalo kapag may involvement si King. Na anak nya.
Four-seater daw talaga ang binili nya sasakyan dahil alam niyang kakailanganin ito ni King. Pwede naman kasing yung two seater lang diba?
"AMA... SIGURADO ka bang dito tayo magsasanay?" Naguguluhang tanong ni King. Napatanga kasi ako nang mag-sink in na sa utak ko ang lugar kung nasaan kami. Si Mina, namimilog naman ang mata, namamangha.
Si King ang unang nakabawi sa pagkabigla kaya't sya ang nagtanong. Kahit siguro ako ang unang makabalik sa wisyo ay hindi ko matanong si Boss.
"Sumunod na kayo..." magkatinginan kami ni King.
Seryoso ba si Boss?
Bumaling ulit ako sa nakapakalaking MALL na nasa harap ko at kay King. Ilang hakbang na ang layo samin ni Boss Shin kaya nagkibit-balikat kami ni King at nagsimulang humakbang.
"Nako naman..." bigla akong napabalik.
"Saan ka pupun--" naputol na ang sasabihin ni King, marahil alam na niya ang gagawin ko.
"Mina, papasok na tayo sa loob." Nawala sa pansamantalang -- sariling mundo, si Mina. Nagpaulit ulit pang kumurap ang mata nya. Napaka-inosente.
Hinintay kami ni Boss sa entrance ng MALL. Pano kami makakapagtraining sa mall na ito?
Maliban sa napakaraming tao dito, hindi kabisado ng dalawa kong kasama ang lugar na ito. Napakalawak nito para saming apat.
"Una," tumikhim muna si Boss bago magsalita. "Athan..."
Awtomatic akong napa -- "Yes, Boss?"
"Hanapan mo ng desenteng damit itong dalawang ito. Yung magagamit nila ng isang buwanan na. Baka maubos ang damit mo kakapahiram sa dalawang 'to. Bumili ka na din ng damit mo... ito, " inabot nya sakin ang isang ATM card kalakip ng isang papel na may nakasulat na... code para iaccess ang account. Madami kaya ang laman nito? Hindi ba natatakot si Boss na baka sapian ako ni Lupin at itakbo ko ang pera niya? Kahit alam kong hindi ko naman yun kayang gawin.
BINABASA MO ANG
Mythical Clash
AventuraWhat if the myths of different races meet? Greek mythology Norse mytholgy Egyptian Myth Chinese Myth Korean Myth Japanese Myth Indian Myth at Pinoy Myth and many more.