Nasa bahay sila ni Ginoong Tei, ang guardian daw ng Wood dragon. It made sense. Kaya pala napakasuccessful ng wood furniture business nito.
Mabait din ito at pumayag na gawin training field ang lugar niya. Ang unang palapag ay ang work area ni Mr. Wong at ng dragon niya. Manghang-mangha si Nathaniel sa dragon. Ang ikalawang palag naman ay office at nagsisilbing bahay ni Mr. Wong.
Kumpleto sa mga training equipments sa para sa man-to-man combat ang third floor ng building na inuukupa nila, minsan na kasing ginawang training field ng dalawang anak ni Mr. Wong. Parehas itong dragong guardian. Ang lalaki ay Leaf dragon guardian, ang bunsong babae ay Flower dragon guardian. Parehas na itong nasa China.
Ang ikaapat na palapag ay may mga kwartong parang condo unit. Si King, Ino at Mina ay doon na tumutuloy. Tanging si Boss Shin na lamang at siya ang umuuwi tuwing gabi sa bahay nila.
Magkasundo si Ino at Mina kaya't napanatag si Nathaniel. Maging si King ay binabantayan at iniintindi rin ang inosenteng si Mina. Si Ino at King lang talaga ang laging magkasigawan ngunit, okay naman ito. Hindi naman umaabot sa sakitan.
Ang malawak na grassland sa tapat ng building naman ay ang mas malawak na training field nila.
"Magsimula ka na King."
Unang ginawa nila para sa sinabing training ay sukatin ang special abilities nilang apat; Nathaniel, King, Ino at Mina. Naggising si Mina noong araw ding umuwi mula sa unang training si Nathaniel.
Si Ino at King pa lang ang bihasa sa paggamit ng special na kakayahan na taglay nila. Nasa gitna sila ng grassland at nagpapakitang gilas sa harap ng Boss Shin niya at ng may - ari ng training place nila na si Mr. Tei Wong. Walang kahirap-hirap magtawag ng dragon si King, kumikinang ang gintong dragon nito sa gitna ng nagdidilim na paligid; at kayang-kaya rin niya itong mapasunod. Ikinatakot lang ni Nathaniel ang huling nakanap, mula sa langit at nagdive ang dragon pababa kay King at hindi man lang ito umiwas. Pero kasama pa iyon sa trick ni King, parang pumasok sa katawan niya ang dragon.
Hindi naman nagpahuli ang nag-aapoy na espada ni Ino. Literal na mainit ang bawat galaw nito. Nag-aapoy man o hindi, perpekto ang swordmanship ni Ino. Nagsulat pa ito ng pangalan nita sa hangin gamit umaapoy na espada.
Si Mina'y hindi na ulit nakapagpalit pa ng anyo bilang isang lobo. Gusto sana niya itong lapitan nang makitang nakasimangot ito at hindi natuwa sa nangyari ngunit siya ang sumunod na kailangang magpakita ng galing.
At nang oras na ni Nathaniel... Tumayo lamang siya sa gitna ng grassland. Ilang minuto siyang pumikit... Umulan sana please! Umulan sana please! Paulit-ulit niya itong sinasambit sa pag-aakalang kaya niyang kontrolin ang panahon dahil sa mga nakaraang insidente ngunit walang pinagbago sa takbo ng panahon. Puno pa rin ng tala ang kalangitan. Siya na lang sa kanilang samahan ang walang alam sa tunay na kapangyarihang taglay niya... kung meron man.
Sa ikalawang-araw ng opisyal nilang pagsasanay ay ang pisikal na lakas naman ang sinubukang sukatin sa kanilang kakayahan. Gamit nila ang wood dummies na gawa ng dragon ni Mr. Wong bilang sparring partners. Mga hugis tao ito na gawa sa kahoy, wood summons ang tawag dito ni Mr. Wong.
Nang araw na iyon ay pinagpira-piraso ni Nathaniel ang humigit kumulang limampong wood summon, gamit lamang ang pisikal niyang lakas. Hindi siya nagtira ng kahit konting awa dito tulad sa unang paglakataong nakaharap siya ng mga wood summons unang beses na pumasok siya sa lugar ng training nila.
Sumunod na humarap sa wooden summon si Mina. Bakas sa mukha nito ang determinasyong harapin ang sparring partner na gawa sa kahoy. Ilang beses pinigilan ni Nathaniel ang kanyang sarili upang huwag makiaalam sa kaganap sa harap niya.
BINABASA MO ANG
Mythical Clash
PrzygodoweWhat if the myths of different races meet? Greek mythology Norse mytholgy Egyptian Myth Chinese Myth Korean Myth Japanese Myth Indian Myth at Pinoy Myth and many more.