Ang pagpapalabas ng dragon ay isang nakakaubos lakas na gawain para sa mga baguhang dragon guardians. Kayat ganon na lamang pagod ni King. Sa paglapat ng kanyang likod sa higaan at pagpikit ng kanyang mga mata ay nahulog na siya sa mahimbing na pamamahinga.
Maaga ang naging paggising ni King. Nag-inat siya ng katawan at tumayo. Masigasing na iniligpit ni King ang kanyang higaan.
Kakausapin ako ngayon ni Lolo. Ano kayang sasabihin niya? Kanina pang tumatakbo sa isip niya ang tanobg na iyan. At kahit ngayong naglalakad na siya tungo sa silid ng lolo niya ay yun pa rin ang nasa isip niya.
Kakatok pa lamang sa pinto ng Lolo ay agad nang bumukas ang pinto.
"Magandang Umaga Kamahalan." Sabay na bati ni Kino at Quo.
"Lolo... Wag mo po na akong tawaging kamahalan. Nakakaasiwa po." Mapagpakumbabang sambit ni King.
Nagbigay-daan naman si Kino nang makita si King. Isa ito sa pamamaraan niya upang iparating ang respesto sa Pinamataas na Dragon Guardian.
Pinasadahan niya ito ng mabilis na tingin at nilampasan. Hindi pa rin naiwawaksi sa isip niya ang pagbalibag nito sa lolo niya.
"Sige po Lolo Quo ikukumusta ko kaya kay Lolo Yuan. At Ginoong King, salamat. Paalam sainyo."
Malamig na tingin lamang ang isinukli nito.
"Maupo ka." Mahinahong paanyaya ng Lolo niya.
Sumalapak siya sa sahig kaharap ng kanyang lolo na kasalukuyang nagt-tsaa. Pinagsalinan din ni Quo ang kanyang apo.
"Ganap ka ng Dragon Guardian apo. Marapat sanang ikay paghusayin."
"Talaga Lolo, sasanayin mo na ako?" Masiglang tanong ni King.
"Sa tingin ko ay hindi ko na kailangan pang sanayin ka. Sa ipinakita mo'y tiyak kong may basbas ka ng bawat dragon kung kaya't lubos ang ipinakita mong kagalingan. Ang kailangan mo na lamang ay maging bihasa sa laban..."
"Handa na ako Lolo..." Hindi mapawi ang kagalakan ni King. Nasasabik siyang paghusayin ang sarili.
"Alam ko King. Handang handa ka na."
"Ngunit Lolo, bakit kailangan kong makipaglaban?"
Nabahala si King sa kanyang napagtanto. Kung magsasanay sya, ibig lamang sabihin na kailangang may kaharapin syang panganib. Ibig sabihin kailangang lumaban siya at maaring dahas ang maging paraan ng labanan. Hindi marahas na tao si King kung kaya't ikinakabahala niya ito.
Humugot ng malalim na hininga si Quo.
"Kaagapay ng pagiging malakas at makapangyarihan ang panganib King. Maraming naghahangad ng ganyang kakayahan. Kailangan mong maprotektahan ang iyong sarili." Mahinahon ang bawat pagsambit ni Quo sa mga katagang binibitawan dahilan upang mabilis at malinaw na maintindihan ni King.
"Maari bang may makakuha sakin ng pagiging Dragon Guardian, Lolo?" Wika ni King matapos sumimsim ng tsaa sa kanyang tasa.
"Oo apo, may mga ritwal na ginagawa ang mga kabilang sa angkan ng dragon guardians upang kunin at ilipat sa isang tao ang isang dragon at ang kakayanan nito."
"Huh? Sino naman ang gagawa ng ganon?"
"Madalas ay ang mga hindi pinalad na mabiyayaan ng dragong pangangalagaan."
"Maari bang hindi maging dragon guardian ang isa sa angkan natin?"
"Tama King kung kayat naging tradisyon sa angkan nating mga Long na itago muna ang pagiging dragon guardian upang huwag maging ganid at huwag mainggit ang myembro ng angkan sa mga nabiyayaan. Nais ng mga ninuno natin na huwag tayong matulad sa mga Lung?"
BINABASA MO ANG
Mythical Clash
Phiêu lưuWhat if the myths of different races meet? Greek mythology Norse mytholgy Egyptian Myth Chinese Myth Korean Myth Japanese Myth Indian Myth at Pinoy Myth and many more.