(5) Painting

46 4 2
                                    

...

Matapos humingi ng paumanhin sa nakabunggong sinkit, agad tumalima si Athan sa tawag ng kanyang Tito na nagtatrabaho sa isang antique collector/seller.

"Tito, ang ganda ng painting na ito." Komento ni Athan nang masilayan ang larawan. Isang puting-puting lobo na may siyan na buntot ang nandoon. May isang nakapulang babae na tila isang diwata ang nakatayo sa tabi ng lobo.

"Maiwan kita King. Aayusin ko pa itong ibang kagamitan." Tinanguan siya ni Athan at ibinanad ang titig sa napakagandang painting.

Dahil na nga sadyang kaakit akit ang larawan, lumapit sya dito at marahang hinaplos ito.

Ngunit, sa kanyang pagkabigla. Nagdistort ang magandang larawan at parang mga pinturang nagpaikot-ikot. Hindi niya maalis ang kamay sa pagkalapat nito sa larawan.

"Huh?" Tanging lumabas sa bibig ni Athan. Nagtataka at naguguluhan sa nangyare.

Biglang-bigla sa pangyayari. Hindi nakuhang makapagsalita ni Athan. Tulala ito. Parang hindi gumagana ang utak. Parang na-freeze dahil sa nasaksihan.

Matapos kasi ang pag-ikot-ikot ng mga kulay ng pintura sa larawan, biglang may nabago sa larawan. Ang dating maamong itsura ng diwatang katabi ng puting lobong may siyam na buntot ay tila naging galit. Naging mabigat sa pakiramdam ang pagtitig sa imahe ng diwata sa larawan.

Ngunit, bukod doon, may kung anong mali ang hindi mawari ni Athan. Parang may kulang...kulang ang...

"PATAY!" Nagpanic agad si Athan nang mapansin ang kakulangan. Dala ng pagkataranta, makailang ulit itong tinignan ni Athan upang makompirma ang hinala niya.

Kinakabahan man at naguguluhan sa nangyayare, lumapit syang lalo sa larawang kakasabit lamang niya at binilang  ang buntot ng lobo.

"...anim...pito...walo...walo...walo..." mariin niyang pinikit ang mata, humugot ng hangin at bumilang muli. Dahan-dahan at maingat na maingat ang ginawa niyang pagbilang. Hindi na niya idinidikit pa ang balat sa larawan...mahirap na.

"Isa,...dalawa,..tatlo,...apat,...lima,...anim,..pito,..walo,...walo,....patay! Wala na talaga! Walo na lang ang buntot! Siyam pa to kanina eh." Reklamo niya sa sarili. Alam ni Athan na siyam talaga ang buntot ng lobo... tandang-tanda pa niya ang itsura nito. Pinangangambahan na niya ang maaring katakot-takot na galit ng boss nila ng Tito niya na syang may-ari ng antique shop na ito.

Sa pang-hindi-mabilang-na-pagkakataon' binilang muli ni Athan ang bilang ng buntot ng lobo. Ngunit, wala na. Walong buntot na lang yun. Dapat ay siyam iyon.

Alam niyang may kakatwang naganap sa larawan dahil hindi naman ito basta na lamang mag-iiba ng imahe. Hindi mawari ni Athan kung ano ang gagawin. Kung dapat bang itago ang larawan o hayaan ang nangyare o sabihin sa boss nila ang nangyari. Ngunit, alam ni Athan na kahit ang gawin niya sa tatlong naisip ay hindi maaring gawin.

Hahanapin at hahanapin ito ng boss kung kaya't hindi niya ito pwedeng basta na lamang itago. Kung sasabihin naman ito sa boss o kahit sa Tito niya, pihadong hindi naman siya paniniwalaan. Panong ang isang larawang dating may imahe ng maamong diwata ay naging galit at ang dating siyam na bunto ay naging walo? Napakaimpossible nito. Idagdag mo pa ang modernong kapanahunan. Ngayon pa bang hi-tech na ang halos lahat ng gamit sa ibang bansa--- liban sa Pilipinas. Ni wala na ngang naniniwala sa enkanto, ito pa kaya?

"Tito!" Sigaw ni Athan mula sa display area ng antique shop na pinagtatrabahuhan.

"Ano yun Atan?" Sagot ng Tito ni Athan na tila nasa banyo base sa tunog ng boses nito.

Mythical ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon