[16] Mission

20 2 0
                                    

Malalakas na ihip ng hangin at malalaki ang patak ng ulan nang gumising ang diwa ni Nathaniel. Gising na siya pero hindi pa siya nagmumulat ng mata. Mabigat pa rin ang pakiramdam niya. Buong katawan niya'y nanghihina.

Ang pampalubag na lamang ng kanyang loob: At least, pakiramdam niya'y buo pa rin siya. Buhay siya. At sana ganoon din ang mga kaibigan niya.

Muli niyang binalikan ang nangyari sakanila. Intense and unexpected. Dark and wicked.

Saan ba galing 'yon? Pano 'yon nangyari? Sinong may gawa noon? Paano sila nakaligtas? Kanino o sa anong bagay sila ligtas?

Punong-puno ng tanong isip ni Nathaniel pero bago pa man siya umimbento ng sagot, narinig niya ang pagbukas ng pinto. Nasa bahay kami ni Mr. Wong. Iyon agad ang pumasok sa isip niya nang iminulat niya ang kanyang mata.

Hirap at dahan-dahan niyang binaling ang tingin sa kaliwa niya kung saan naroon ang pinto. Si King ang pumasok.

"Gising ka na. . ." bati sa kanya ni King. "Papalitan ko lang ito ah.." Tinaas nito ang umuusok na paso. Amoy insenso at parang dahong sinisigaan. Iyon siguro ang naamoy niya habang tulog. Nakakarelax sa pang-amoy.

Hindi na niya pinilit bumangon. Alam niyang mahihirapan lang siya at masasaktan. Ang pagbaling pa nga lang ng ulo niya'y mahirap na. Nanunuyo rin ang lalamunan niya. Ang pinakanagagawa lang niya ay ang pagbukas-sara ng mata, bahagyang paggalaw ng daliri. Naibubukas niya ang bibig ngunit walang boses na lumalabas.

Masyado niya atang naabuso ang katawan niya. Kailangan niya ng matinding kain at pahinga. Sana madala sa ganon, 'yon ang madalas niyang gawin kapag minsan siyang nagkakasakit.

Nakontento na lang siya sa pakikinig sa patak ng ulan at sa paglibot ng kanyang paningin sa kwarto. Paulit-ulit niyang binalik-balikan ang nangyari sa kanila ng kanyang mga kaibigan.

"Isa sa pinakamabisang pampalakas; may ugat ito ng ginseng, ginko biloba at mga halamang-gamot. Sabi ni Ama, maayos din nito ang daloy ng iyong chi." Paliwanag ni King habang hinahalo ang umuusok pang pinakuluang mga halamang-gamot. Dala niya ito nang bumalik.

Tinulungan siya ni King na sumandal sa headboard ng kama. "Hinilot ka ni Ama kaya't medyo magaan ang katawan mo at hindi mo pa makontrol. Kailangan mo pang bumawi. Ubusin mo ito."

Pinigil ni Nathaniel ang paghinga nang ilapit na ni King ang maliit na tasa. Natural na sa pinakuluang halamang gamot na iba ang amoy at lasa. Hindi pa rin niya nalilimutan ang lasa ng pinigang Oregano na pinainom sa kanya ng Tito niya. Nakapikit niyang ininom ang laman ng tasa...

Ang...sarap

Minulat ni Nathaniel ang mata. Nilanghap rin ang aroma ng gamot. Mabango ito. Muli siyang napapikit. Nakakalma.

"Gising na rin daw si Mina. Magkapanabay lang kayo. Pinaiinom na rin siya ni Ama ng halamang-gamot. Nandon si Ino."

Pinipigilan lamang ni Nathaniel ang sarili ngunit gusto na niyang magpadala sana sa kwarto kung nasaan si Mina. Nakakahiya naman kung magpapabuhat ulit siya kay King. Hindi pa rin niya kayang bumangon. Magpapalakas muna siya.

Mabilis na naubos ni Nathaniel ang gamot na ibinigay ni King. Sumubok siyang magsalita ngunit nanunuyo pa rin ang lalamuman niya. Bumukas lamang ang bibig niya.

"Wala anuman Athan!" Sagot ni King na tila ay nababasa ang nasa isip niya. "Malaki ang utang na loob namin sainyo ni Mina. Kayo ang nagligtas sa atin... Maraming salamat sainyo ni Mina. Halos maubos ang lakas mo para maka-alis tayo. Magpagaling ka , Kaibigan..." Tinapik siya ni King. "Ilabas ko lang ito ah."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 02, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mythical ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon