CHAPTER FOURTEEN

138 0 0
                                    

Aly’s POV

Kasalukuyan kong kinakain yung manok na iniwan ni Shan nang bumalik siya. Napatigil ako sa walang habas na pagkagat sa hita ng manok.

“Hoy! Sino yang ka-date mo?!” Sita ko sa kanya. Pero ayos lang naman na sa iba na siya makipagkita kesa naman umasa pa siya sa Dylan na iyon.

“Date ka diyan. It’s just Kuya Kyle. Haven’t you met him? Ipapakilala ko siya sayo para naman hindi ka nag-iisip ng kung anu-ano!” Sagot naman niya sa akin. Umupo siya sa sofa.

“Dapat lang! Dapat makilatis yang manliligaw mo.” Pahayag ko pagkaraa’y sumubo ako ng kanin.

“Hindi ko siya manliligaw Aly. May gusto siyang iba at pareho kaming may one-sided love.”

Yuck Shan! One-sided love your face!

Inirapan niya lang ako tapos napatungo yung tingin niya sa kinakain ko.

“What the hell Aly?! How can you fucking eat my food?!” Sigaw nito sa akin. Napapikit ako sa lakas ng boses niya.

“I’ll pay Shan! So can you fucking shut your mouth?!” Sigaw ko din sa kanya. Napangiti ako. Tinignan niya ako ng kanyang pamatay na shut-your-mouth-yourself-look niya. So naalis yung ngiti ko at nagmadaling niligpit yung kinakain ko.

Sa gilid ng mata ko nakita ko na pumasok na siya sa kwarto. Pagkaraan ng ilang minuto e pinatay niya yung ilaw. Himala! This is a miracle! Maaga siyang matutulog! Napaseryoso ako. My poor bestfriend, my poor Shan. Loving that freaking Dylan who’s freaking in love with his girlfriend.

Suddenly I remembered Travis. Oh, that guy. Kinilig ako bigla. Shit! What the hell is this feeling? Oh please Aly, don’t be that giddy-like kiddo! Napangiti na lang ako.Lalo na nung naisip ko yung itsura niya nung sinabi ko na Barbara ang pangalan ko. The cute expression of him! Haaay…

Pinalis ko sa isipan ko si Travis, binilisan ko na lang yung paghuhugas ko ng plato. Kailangan ko na ding matulog.

**Kinabukasan…

Totoo yata na kapag inisip mo ang tao bago ka matulog e mapapanaginipan mo. Ngayon lang yata ako nagising na may ngiti sa labi ko at ngayon ko lang yata ginusto na hindi magising dahil sa saya ng panaginip ko.

Hindi pa ako bumangon. Pumikit ako at assuming na matutuloy ang panaginip ko pero hindi na talaga ako makatulog. Ayaw makisama ng mata ko. Kaya napagdesisyunan ko ng bumangon. 7AM na pala. Si Shan nasa dining table at kumakain ng canton with TAHO. Bagay ba na partner yun? I don’t think so… Hindi ko na nga siya pinansin at ang kanyang awful combo ng pagkain. Baka masira lang ang mood ko. I smiled and led myself to our little kitchen.

“Why so happy?” Tanong nito. Napansin na pala niya ang pag-eksena ko.

“Hindi naman.” Maikling sagot ko. Binuksan ko ang ref at kinuha yung mixed vegetables ko. Sigurado sasabihin na naman ni Shan KADIRI. She’s a veggie hater, FYI.

“Sows, Why not make kwento? As in now na.” Sabi nito na puro ka-CONYO-han.

“Why so CONYO? Are you from ARRHENEYOW?” Pahayag ko. Infairness, rhyming yun. She rolled her eyes at bumalik sa pagkain ng canton. Ako naman iniluto na yung mixed vegetables, parang ininit ko lang pagkaraan nun, tinabihan ko na siya sa table.

“So what’s really happening, Aly?” She asked and glared at me with her SABIHIN-MO-NA-HINDI-KITA-TITIGILAN-LOOK. So I surrendered and tell her about Travis.

“So, remember the night when we had a shitty argument?” Tanong ko sa kanya habang kumakain. She just nodded.

“Diba lumabas ako then I saw him, Travis, and we just had a small talk. That’s it.” Sabi ko sa kanya tapos kumain na ako. Hindi siya nagreact. Tinignan ko siya and there she is giving me her TELL-ME-EVERYTHING-LOOK.

At First Sight (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon