CHAPTER TWENTY THREE

120 0 0
                                    

Drei’s POV

“Dylan...” Tawag ko sa kanya. Kauuwi pa lang niya. Galing na naman siguro sa meetings or kung ano man.

“Hi baby.” Then he kissed my cheek.

“Shall we eat?” He asked. Mabait talaga siya so I can’t blame Shan for liking him.

“Tapos na ako.” I said. Then he sat beside me.

“Good. Kumain na din kasi ako kanina.” Tumango lang ako.

“Dylan, there was this girl who said to me that she likes you.” I said. Napakunot naman ang ulo niya.

“Diba dapat sa akin umaamin, e bakit sayo?” Natatawang sabi nito. Marami na rin kasi siya naikukwento sa akin na nagsasabing crush siya.

“But this one is different, she want to move that’s why she’s telling me… us.” He hugged me.

“You know that I only love you Drei.” He said then he kissed my forehead.

“I know but I want us to help her. She want to move on and for her to start, she must confess her feelings for you. I felt her pain baby so if we can help her?” I asled him.

“Ohh baby, anything for you. What shall I do?” Tanong niya. He smiled at me ako naman hindi ko mapigilang tumawa. This guy is really cute. Lol

“You’ll just have to talk to her. Let her to confess to you then just tell her that you’re not the one for her.” I said. Iyon naman talaga ang dapat niyang gawin. It’s not for her to get hurt but for her to realize that there’s so many guys out there willing to love her.

“Maybe I should know who is she first?” He asked.

“I’ll let you see her.” We smiled at each other. I’m really lucky to have him.

Dylan’s POV

“There she is…” Turo sa akin ni Drei. Iyong sinabi niyang may gusto sa akin. This girl is really nice, she even want her own boyfriend to help that girl that she’s saying.

“Tignan mo na dali.” Hinatak pa niya yung damit ko. Tinignan ko na nga yung tinuturo niya.

“Sabi ko na nga ba napakagwapo ko.” Hinawi ko pa yung buhok ko. Natawa naman si Drei at sinuntok ako ng mahina.

“Mayabang!” Sabi pa niya. Tinignan pa namin yung babae. Mahaba at kulot ang buhok, maputi… wait.

“Sa tingin ko nakita ko na siya.” Sabi ko. Parang may naalala kasi ako.

“Saan? Kailan?” Tanong naman ni Drei. Saan nga ba? Hindi ko maalala… Waitttt…

“Hindi ko maalala.” Tinignan ko pa ulit yung babae. Ngayon may kasama na siya. Nakasalubong niya kanina. Parang pamilyar din yung babaeng kasama niya.

“Kilala ko rin yata yung kasama niya.” Pahayag ko. Mahaba din ang buhok nito pero straight nga lang. Hindi ko talaga maalala pero sigurado akong nakita ko na silang dalawa.

“Kilala mo nga, nakalimutan mo naman kung saan mo nakita.” Umiling iling pa siya. Napayuko na lang ako. Ano ba naman iyan, not reliable memory storage ang utak ko. T.T

“Sorry naman. Don’t worry baby. Iisipin ko para sayo.” Tsaka kami umalis sa likod ni Oble. Talaga kasing doon pa kami nagtago. Baka tuloy may mag-picture sa amin dun at hindi pa kami maka-graduate. Sabi kasi diba, kapag may picture ka kasama si Oble, di ka daw makaka-graduate. HAHA!

At inisip ko nga kung saan ko nakita yung dalawang iyon. Halos mabaliw na ako at hindi ako makatulog sa pag-isip. Hmmmm… Saan nga ba?

“Wait!” Napatayo ako sa kama ko.

At First Sight (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon