KYLE’s POV
Wednesday, ang pinakaaabangan kong araw. Classmate ko kasi si Shanaiah. IT1 lab namin at sa kasamaang palad e, iyon lang yung subject na mag-classmate kami kaya sinusulit ko na. 3 hours din ngayong Wednesday. J Kapag kasi lecture class, isang oras lang.
Naglakad ako papunta sa PhySci. Sa C-100 ang lab namin. Medyo malayo pa ako pero nakikita ko na ang mahabang kulot na buhok nito.
“Hi Kuya Kyle!” Bati niya sa akin. Napangiti naman ako at kinawayan siya.
“Hi Shanaiah! Pero bakit kuya? Hindi naman ako mas matanda sayo.” Pahayag ko. Hinagod niya ang bangs niya.
“Wala lang. Haha! At tsaka Kuya Kyle, Shan na lang. Ang haba ng Shanaiah” Sabi naman nito.
“E mas gusto ko ang Shanaiah. Maganda naman kaya.” Pilit ko sa kanya. Nakatayo pa rin kami sa labas ng room.
“Nako Kuya Kyle, ikaw lang tumatawag sa akin niyan. Tsaka pala ang bespren ko, pero pag galit lang siya.” Natatawang sabi nito. Nakita ko na rin minsan ang best friend na tinutukoy niya.
“Ayos nga iyon. Para unique ako.” Lumapad lang lalo ang ngiti nito.
“30 minutes pa pala. Bili muna akong pagkain.” Sabi ko pa. Hindi pa kasi ako nakapag-agahan dahil tuloy tuloy ang klase ko. Aalis nasana ako nang…
“Wait! Sama ako Kuya Kyle!” Sabay hila niya sa kamay ko. Hinila niya ako palabas ng PhySci.
“Saan tayo pupunta? Doon lang sa PhySci merong tindahan.” Nagtatakang tanong ko sa kanya.
“Gusto ko dun sa BioSci e.” Nakangiting sabi nito. Hawak pa rin niya ang kamay ko. Para talaga itong bata.
Malapit lang naman ang BioSci kaya nakarating kami agad doon. Bumili kami ng Milo at Banana cue. Magandang partner lang e. Parang kami. Shet. Tindi mo Kyle!
“Ako na ang magbabayad.” Sabi ko sabay abot sa nagtitinda ng bayad.
“Nako! Kuya Kyle! Kapag ako nasanay, lagi mo na akong ililibre ng Milo at Banana cue!” Sabay kaming tumawa. Akala ko pipigilan niyang magpalibre, hindi pala. HAHA!
“Oo naman. Kahit kailan mo gusto, ililibre kita.” Sagot ko sa kanya. Napangiti na naman siya at humigop ng Milo.
Kung iyon lang ang paraan para makasama kita ng matagal-tagal. Nais ko pa sanang idugtong iyon pero sinarili ko na lang at kumain na lang din ako.
“Tara na kuya Kyle.” Yaya sa akin ni Shanaiah. Mabagal lang kaming naglakad. Maaga pa kasi. Mga 20 minutes before mag-ten. Sandali lang din kasi kami kumain.
“Shanaiah—“ Hindi ko naituloy yung sasabihin ko. Parang nagdadalawang isip kasi ako.
“Yes?” Sagot nito sabay lingon sa akin.
“Kunin ko lang yung number mo.” Lakas loob na sabi ko. Ngumiti lang siya sa akin at hiningi ang phone ko. Etong babae na to, laging nakangiti. Haha! Paano akong di main-love niyan sayo?!
“Nako Kuya Kyle, paload-an mo ako a!” Biro pa nito.
“Haha! Para kapag gusto mo kumain ng Banana cue, text mo lang ako.” Pahayag ko sa kanya. Binigay din niya sa akin ang phone niya para ilagay ang number ko dun.
Sinave niya iyon at sinilip ko ang nakalagay na pangalan. Hindi Kyle kundi Banana cue.
“Bakit banana cue?!” Tanong ko sa kanya habang naglalakad pa rin.
“Para maalala ko na ililibre mo ako ng banana cue!” Sabi nito at tsaka tumawa ulit.
Nakarating na rin kami sa PhySci at mukhang nakapasok na yung iba naming classmate sa lab.
BINABASA MO ANG
At First Sight (COMPLETED!)
Teen FictionThis story will also feature different places in our university. The story is a half fictional and half non-fictional. Some of the situations are experienced by the authors and others are just products of the writer's creative mind. READ. VOTE. COMM...